Social services, mas magiging mabilis sa National ID – Sec. Diokno

Social services, mas magiging mabilis sa National ID – Sec. Diokno

August 8, 2018 @ 5:18 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Mas magiging maagap at karampatang maihahatid ang Social Services sa taumbayan sa tulong ng national ID.

Tinatayang 40% ng National Budget ang nakalaan para sa social services gaya ng edukasyon, healthcare, social protection, at poverty-alleviation.

Mas magiging madali rin sa pamahalaan na kilalanin ang karapat-dapat na benepisaryo at tiyakin na ang resources ay maayos na naipapaabot sa mga nangangailangan.

“Administrative costs will also be reduced as the national ID will give us a database of potential beneficiaries,” ayon kay Budget and Management Secretary Benjamin E. Diokno.

P1.43 trillion ang budget na inilaan para sa social services ngayong taon habang P1.38 trillion para sa susunod na taon.

Binigyang diin nito ang kahalagahan ng national ID law.

Ilan sa tinatawag na flagship social programs ng pamahalaan ay Conditional Cash Transfer Program, National Health Insurance Program, at Universal Access to Quality Tertiary Education.

Kabilang din dito ang social mitigating measures sa ilalim ng Tax Reform Law gaya ng Unconditional Cash Transfer Program at Pantawid Pasada Program.

“P2.0 billion is allocated under the Philippine Statistics Authority (PSA) for the national ID system in the 2018 General Appropriations Act (GAA). Another P2.1 billion is allocated in the proposed 2019 Budget to support its full implementation,” aniya pa rin.

Nitong Lunes, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Philippine System Identification Act o mas kilala bilang national ID system.

Sa oras na naikasa na aniya ay titiyakin ng pamahalaan ang “more streamlined and equitable delivery of social services”. (Kris Jose)