‘Signal jamming’ sa mga kulungan aprub sa BJMP

August 11, 2022 @7:00 PM
Views:
80
MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Huwebes ang suporta para sa rekomendasyon na pagpapatupad ng signal jamming sa mga preso sa gitna ng umano’y drug operations sa loob ng kanilang pasilidad.
Sa public briefing, sinabi ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda na mapipigilan ng signal jamming ang komunikasyon ng persons deprived of liberty (PDLs) sa kanilang mga contact sa labas.
“That’s a welcome development as far as the BJMP is concerned,” aniya.
“Importante yan kasi kung yan din yung isa sa mga makatutulong talaga para ma-prevent natin yung possible communications with the PDLs and possibly yung kanilang mga contact sa labas, napakagandang ideya nun. We fully support it,” dagdag niya.
Sinabi pa ni Solda na umaasa sila na gagawing prayoridad ng pamahalaan ang panukala dahil kinakailangan ng proyekto ng pondo.
“Ang second step nito, of course, ‘yung funding requirements niyan so we do hope sana mabigyan po ng priority ito ng national government,” sabi ni Solda.
Inirekomenda ni Interior Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules ang paggamit ng signal jammers upang putulin ang komunikasyon ng drug lords na umano’y nagsasagawa ng operasyon sa mga kulungan.
Samantala, inihayag ni Solda na 262 sa 477 BJMP jails sa buong bansa ang idineklarang drug-free habang 40 ang idineklarang drug-cleared.
“Drug cleared jails are those that were previously classified as drug-affected jail but after being subjected to drug-clearing operations, it was declared drug-free,” paliwanag niya.
“A drug free jail is a facility that has no drug personalities, no drug users, and no illegal drugs after conduct of search and seizure operations sa jail for three consecutive months ng PDEA,” patuloy ni Solda.
Sinabi rin ni Abalos na nais niyang magsagawa ng testing para sa posibleng nakahahawang mga sakit bago ikulong ang mga preso dahil sa mabilis n pagkalat ng sakit sa congested areas.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang siyam na active COVID-19 cases sa PDLs sa BJMP jails, base kay Solda.
Sinabi rin ni Solda na 334 sa 477 BJMP jails ang masikip. Aniya, sinisikap ng BJMP na tugunan ang congestion sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bagong gusali at pagsasaayos ng mga pasilidad.
Nagbibigay din ang BJMP ng legal support services sa mga preso upang pabilisin ang kanilang mga kaso at isinusulong ang disiplina sa mga PDL upang magkaroon sila ng mas maraming good conduct time allowance (GCTA) para sa mabilis na pagpapalaya. RNT/SA
LTFRB magbubukas ng higit 100 ‘modified’ routes bago mag-F2F classes

August 11, 2022 @6:46 PM
Views:
68
MANILA, Philippines- Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Huwebes na balak nitong buksan ang 100 bus, jeepney, at UV Express routes sa Metro Manila upang dagdagan ang public transportation supply bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng face-to-face classes sa buwang ito.
“Yes, more than 100 routes that we will open next week, before the opening of classes on August 22. We will issue the memorandum circular on this new routes or modified routes as you will call it to address the need for more buses ang vehicles for the face-to-face classes,” ani LTFRB chairman Cheloy Garafil matapos ang ikalawang hearing ng ahensya sa petisyon para sa fare hike sa public utility buses.
“The routes are comprised of buses, jeepneys, and UV Express,” dagdag niya.
Sinabi ng LTFRB chief na ang ahensya, alinsunod sa utos ni Transportation Secretary Jaime Bautista, ay magbubukas ng modified routes sa mga lugar na may maraming paaralan kagaya ng University Belt sa Manila dahil nangangailangan ng mas maraming public transportation para sa mga estudyante na magbabalik-eskwela.
Para naman sa mga jeep at UV Express, sinabi niyang “all non-EDSA routes will be reopened.”
Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) noong Hulyo na muli nitong bubuksan ang mga ruta para sa city buses sa Metro Manila kasabay ng muling pagbubukas ng klase sa Agosto 22.
Samantala, magtatalaga naman ang MMDA ng 2,238 personnel sa kahabaan ng major roads at sa high-density schools sa Metro Manila kung saan 581 traffic enforcers ang ipakakalat sa 148 paaralan sa National Capital Region (NCR). RNT/SA
P14.7M iligal na droga naharang ng BOC sa NAIA

August 11, 2022 @6:32 PM
Views:
64
MANILA, Philippines- Nasabat ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport ang tatlong pakete ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P14.7 milyon ngayong araw.
Sa ulat ng Port of NAIA, isang outbound parcel sa DHL Warehouse ang naglalaman ng 300 gramo ng methamphetamine hydrochloride (HCL), na kilala sa tawag na shabu, na nakatago sa loob ng wall sticker.
Habang nasa dalawa pang papasok na parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ang naglalaman ng Ecstasy na nakatago naman sa loob ng mga karton at bed sheet.
Ang palabas na kargamento ay idineklara na palamuti sa bahay (wall sticker) at sumailalim sa X-ray, na kalaunan ay nagpakita ng mga puting kristal na sangkap. Kalaunan ay napatunayang shabu ito na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P2.04 milyon.
Idineklarang “women’s and baby wear gift” ang ikalawang shipment na papasok sa CMEC, ngunit nabuking ito na Ecstasy na nagkakahalaga ng P8.9 milyon. Ang huling shipment, na hindi idineklara, ay nakumpirma rin na mayroong Ecstasy, na nagkakahalaga ng P3.8 milyon.
Ayon sa Port of NAIA, patuloy ang imbestigasyon para arestuhin ang nasa likod ng illegal trade dahil sa posibleng paglabag sa Republic Act (RA) 9165, o Comprehensive Drug Act at RA 10863, o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). JAY Reyes
P46M yosi nasabat ng BOC

August 11, 2022 @6:18 PM
Views:
66
MANILA, Philippines- Tinatayang nasa higit P46 milyon halaga ng mga ismagel na sigarilyo ang muling nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Subic na nagmula sa bansang Singapore.
Ayon sa BOC, nakatanggap ang Port ng impormasyon sa nasabing kargamento, na nagresulta sa pagpapalabas ng Pre-Lodgement Control Order. Nasa kabuuang 1,122 master case ng Marvels Filter Cigarettes na idineklara bilang mga tela ang natuklasan sa pisikal na pagsusuri.
Sa isinagawang imbestigasyon, na ang nagsilbing consignee ng nasabing kontrabando na Proline Logistics Philippines Inc., ay hindi rehistradong SBMA locator ng mga dayuhang sigarilyo at produktong tabako. Hindi rin ito kasama sa listahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) List of Registered Importers of Cigarette Brands.
Dahil dito, naglabas ng warrant of seizure at detention si Maritess T. Martin, District Collector ng Port, laban sa shipment dahil sa paglabag sa National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No. 03 at Republic Act No. 10863, o ang Customs Modernization Tariff Act.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nasamsam ng nasabing Port ang dalawang shipment na nagkakahalaga ng P84.97 milyon mula sa parehong consignee.
Sinabi ni Martin na patuloy na palalakasin ng Port of Subic ang mga pagsisikap nito sa pagprotekta sa hangganan laban sa pagpasok ng mga ipinagbabawal na produkto sa bansa. JAY Reyes
DOLE naglabas ng P128M tulong para sa Abra quake victims

August 11, 2022 @6:04 PM
Views:
70