Socmed personality Miss Glenda, kinasuhan ng cyber liber si Rosmar!

Socmed personality Miss Glenda, kinasuhan ng cyber liber si Rosmar!

October 10, 2022 @ 7:50 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Gaya ng bulung-bulungan sa socmed world ay tinotoo na nga ng socmed personality na si Ms Glenda Victorio ang isinampang demanda laban sa isa pang socmed personality na si Rosmar o Rosemarie Pamulaklakin. Multiple cases ng cyber libel at cyber unjust vexation ang isinampa ni Ms. Glenda na napuno na sa mga diumano’y below the belt na sinasabi ni Rosmar sa FB.

Kadalasan diumano ay tina-tag pa raw ni Ms. Rosmar si Ms. Glenda na dinadamay pa raw ang pamilya kaya napuno na ang huli.

Kasama ni Ms. Glenda ang kanyang abugado, ang celebrity lawyer na si Atty. Garreth Tungol at tatlo pang lawyers ng Tungol, Tan and Fordhan law firm.

Ayon kay Ms. Glenda, hindi na makatarungan ang mga salitang binabato sa kanya ni Ms. Rosmar at dahil damay na ang kanyang mga anak ay kailangan na niyang mag-resort sa legal solution.

Sinubukan naman naming kunan ng pahayag si Ms. Rosmar ngunit as of press time ay hindi pa siya nagbibigay ng statement.

Bukas naman ang Remate Online sa magiging pahayag ni Ms. Rosmar.

Naka-file ang nasabing multiple cases laban kay Ms. Rosmar sa QC Prosecutor’s Office.

Bukod sa CEO ng Brilliant Skin Essentials ay naging PBB housemate din si Ms. Glenda sa PBB Konek ng ABS-CBN. JP Ignacio