SoCot inatake ng bird-flu; 81,000 manok pinatay

SoCot inatake ng bird-flu; 81,000 manok pinatay

September 20, 2022 @ 8:46 AM 1 week ago


SOUTH COTABATO- Umabot sa 81,000 manok ang tinamaan ng Avian Influenza (AI) virus o bird flu sa isang commercial poultry farm sa bayan ng Tantangan.

Ayon kay Dr. Flora Bigot, hepe ng Provincial Veterinary Office (PVET) South Cotabato, nanawagan siya sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng kanilang mga kinokonsumo sa lahat ng uri ng ibon lalo na sa Barangay Magon, Tantangan, mula noong nakaraan linggo.

Aniya, ang Avian Influenza (AI) virus, ay naililipat ito sa tao sa pamamagitan ng direktang kontak, pagkain ng kalahating lutong karne o mga itlog ng infected na manok, at kapag nalalanghap ang virus.

“The AI is also a threat to our poultry industry as it is highly contagious in birds, chicken, ducks, quails, and other fowl families,” dagdag pa ni Bigot.

Patuloy naman ang ginagawang monitoring ng mga tauhan ng PVET sa loob ng pitong kilometrong radius at isang kilometrong quarantine area ng index case dahil bukod coronavirus disease 2019 ay dumagdag rin sa banta ng kalusugan ng tao ang avian influenza.

Nakiusap rin si Bigot sa publiko publiko na agad ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan kapag mga insidente ng pagkamatay ng mga manok at iba pang klase ng ibon para maberipika at makapagsagawa ng mga blood sample.

Sa huling talaan ng PVET nasa 81,000 manok na nagkakahalaga ng P35 milyon mula sa iba’t ibang poultry farm sa lalawigan./Mary Anne Sapico