Soft launch ni PBBM sa Maharlika fund sa Switzerland sinupalpal ni Pimentel

Soft launch ni PBBM sa Maharlika fund sa Switzerland sinupalpal ni Pimentel

January 15, 2023 @ 4:41 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinupalpal ni Senate minority leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Linggo, Enero 15 ang planong soft launch ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Maharlika Investment Fund sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Ani Pimentel, ang hakbang ay tila isang marketing strategy upang magbigay ng pressure sa Senado na ipasa ang naturang panukala.

“It is more than a marketing strategy, it’s a move to tie the hands of Congress, particularly the Senate, on the controversial measure,” anang Senador.

“It is too early, too premature. Sigurado ba silang lulusot sa Senado yang Maharlika Investment Fund bill?” dagdag pa niya.

Ayon kay Pimentel, nananatiling kontra siya sa naturang panukala kasabay ng pagpapaliwanag nito na posible ang abuso at korapsyon dito gaya nang nangyari sa Malaysia.

“Instead of focusing our limited resources on the Maharlika Investment Fund bill, let’s debate on legislation that will improve the lives of our countrymen, control inflation, and create opportunities,” giit niya.

Umaga ng Linggo ay lumipad na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Davos, Switzerland para dumalo sa WEF mula Enero 16 hanggang 20. RNT/JGC