SOGIESC Equality bill suportado ng mayorya ng Senado

SOGIESC Equality bill suportado ng mayorya ng Senado

December 7, 2022 @ 12:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador Risa Hontiveros na parurusahan ang diskriminasyon at karahasan base sa  Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics (SOGIESC) Equality Bill na kanyang inihain nitong Martes sa Senado.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kanyang inihain sa plenaryo ang  Senate Women, Children, Family Relations and Gender Equality Committee Report No. 15 na naglalaman ng kaparusahan sa sinumang lalabag sa SOGIESC Law.

Ayon kay Hontiveros: “SB 1600 or the SOGIESC Equality Bill prohibits discriminatory practices on the basis of SOGIESC, such as refusing admission to or expelling a person from any educational or training institution; imposing disciplinary sanctions harsher than customary that infringe on the rights of students; and refusing or revoking accreditation of organizations, groups, political parties, or institutions.”

Sinabi ni Hontiveros na inirekomenda ng komite ng Senado na patawan ng P100,000 na hindi hihigit sa P250,000 o pagkakakulong nang isang taon na hindi lalampas ng anim na taon ang sinumang indibiduwal na nagsagawa ng diskriminasyon base sa SOGIESC Law.

Parurusahan din ng panukala ang sinumang tao na hindi pumayag magbigay ng emergency o kailangan serbisyong medical base sa kaurian ng isang tao dulot ng SOGIESC.

“Individuals who refuse to provide medical and health services to a person on the basis of SOGIESC may face a fine of P100,000 to P300,000 penalty or imprisonment of six months to two years and four months,” ayon kay Hontiveros.

Aniya: “The SOGIESC Equality Bill likewise stated that nothing in the law should be interpreted to disturb the exercise of parental authority or academic freedom.”

“The SOGIESC Bill’s message is clear: our country should not tolerate any act of discrimination. Buhay at hanapbuhay ang ipinagkakait natin sa mga miyembro ng LGBTQIA+ nang dahil lang sa mga paniniwala at tradisyong kailangang iwasto,” giit pa ni Hontiveros.

Dahil dito, nagpasalamat si Hontiveros sa kasamahan sa pagsuporta at paglagda sa committee report kahit may reserbasyon ang ilan at nagsabing magtatanong ang iba.

“Sa isang araw lang, nahikayat natin sila na pumirma sa committee report. Mas lalo akong nabuhayan ng loob na sa Kongresong ito, maipapasa na sa wakas ang SOGIE bill,” ani Hontiveros.

“The swiftness with which the committee report was signed and filed is surely a sign of good things to come. Umaasa ako na tuloy-tuloy na ang pag-usad ng bill na ito para ipakita at iparamdam na tunay na kasangga ng LGBTQIA+ community ang ating Senado, “ patapos ni Hontiveros. Ernie Reyes