SoKor, US nagpakawala ng missile tugon sa missile test ng NoKor

SoKor, US nagpakawala ng missile tugon sa missile test ng NoKor

October 5, 2022 @ 7:21 AM 2 months ago


SEOUL – Gumanti ng pagpapaputok ng missile sa dagat ang South Korea at US military bilang tugon sa paglulunsad ng North Korea ng ballistic missile sa Japan, anang Seoul ngayong Miyerkoles.

Umani rin ng internasyonal na pagkondena ang Pyongyang dahil sa ginawa nitong paglulunsad ng missile na pinaniniwalaang ang trajectory ay papuntang Japan.

Bilang tugon, nagsagawa ng sariling missile drill ang mga tropa ng South Korean at Amerikano bilang tugon, sinabi ng Joint Chiefs of Staff ng South Korea.

Ang bawat panig ay nagpaputok ng isang pares ng US-made ATACMS short-range ballistic missiles, ayon sa isang pahayag.

Kinondena naman ni US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang hakbang ng North Korea sa “strongest terms,” tinawag ito ng European Union na “reckless and deliberately provocative action”, at kinondena ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang paglulunsad at sinabing ito ay isang paglabag sa mga resolusyon ng Security Council.

Hiniling ng Estados Unidos sa UN Security Council na makipagpulong sa Hilagang Korea sa Miyerkoles ngunit sinabi ng mga diplomat na tutol ang China at Russia sa isang pampublikong talakayan ng 15-member body. RNT