Solante sa publiko: Magpa-booster, COVID vax pagkarekober sa COVID

Solante sa publiko: Magpa-booster, COVID vax pagkarekober sa COVID

January 21, 2022 @ 2:20 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Hinikayat ng isang eksperto ang mga nakarekober na sa COVID na magpaturok pa rin ng bakuna laban sa virus maging booster shot.

Ayon kay infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante, dapat silang agad magpaturok nito upang mapalakas ang kanilang immune response.

“When you have an infection, you develop your immunity,” ani Solante sa CNN Philippines.

“That’s what we call a natural immunity. But natural immunity may not be enough.”

“If you get the vaccine and at the same you had a previous infection, that’s a very good combination because you already have your immunity and you put in vaccine — that doubles or even triples the antibody response,” paliwanag pa nito.

Sa guidelines naman ng  Department of Health, ang mga nagpositibo sa COVID-19 kamakailan ay maaaring agad na magpabakuna oras na makumpleto isolation period. RNT/FGDC