Solar-powered irrigation system pamasko ng DAR sa Marinduque farmers

Solar-powered irrigation system pamasko ng DAR sa Marinduque farmers

December 7, 2022 @ 8:37 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tumanggap ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa bayang ng Sta. Cruz, Marinduque ng maagang pamasko na dalawang proyekto ng solar-powered irrigation system (SPIS) na nagkakahalaga ng P1.5 milyon mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Ayon kay Ubaldo Sadiarin Jr., DAR Assistant Secretary for support services na ang dalawang irrigation system ay ipinagkaloob sa Baliis Farmers Association upang tugunan ang problema sa patubig ng 106 ARB at hindi ARB na naninirahan sa Baliis.

Kaugnay nito paliwanag ni Sadiarin, ang bagong itinayong SPIS ay magpapataas sa produksyon ng palay at gulay sa lugar dahil posible na ngayong magtanim ang mga magsasaka ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang taon, hindi tulad ng dati na ang mga magsasaka ay maaari lamang magkaroon ng dalawang ani noong wala pa ang SPIS.

Samantala sinabi naman ni Ramil Rolluque, isa sa mga magsasakang benepisyaryo, na karaniwang gumagastos sila ng P20,000 para sa renta ng water pump, manggagawa, at gasolina para sa kanilang pangangailangan sa patubig.

Sinabi ni Atty. Marvin Bernal, DAR MIMAROPA Regional Director, na nanguna sa turnover kasama si Sadiarin, na ang dalawang sistema ng irigasyon ay may mga solar panel at solar pump na kayang patubigan ang hanggang 10 ektarya ng lupa.

Ang proyekto ay ipinatupad sa ilalim ng Client Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPS) ng DAR na nakatutok sa pagpapaunlad ng produktibidad ng agrikultura at pagpapabuti ng buhay ng mga magsasaka. Santi Celario