Solar, wind projects sa Pinas palakasin para iwas-tagtuyot tulad sa Tsina-solon

Solar, wind projects sa Pinas palakasin para iwas-tagtuyot tulad sa Tsina-solon

September 2, 2022 @ 7:13 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iminungkahi ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep Joey Salceda sa pamahalaan na palakasin ang solar at wind projects ng bansa kasunud ng pangamba na magkaroon ng mataas na demand sa coal at fossil fuel sa buong mundo kasunod ng nararanasang blackouts sa China bunsod ng natutuyo nang supply ng kanilang hydropower plants.

“The drought is getting worse in China, and hydropower is already suffering as a consequence. Sichuan Province, one of the largest interior provinces, is already experiencing blackouts, and Chonqing had to cut the lights for some hours to save energy. As a result of drying up rivers, China is now ramping up its coal power production. In the short-run, that will mean we will probably export more coal to China. Prices of coal might spike up,” paliwanag ni Salceda.

Aniya malaki ang problema sa climate change na syang papatay sa hydropower bilang reliable source of energy kaya sa ngayon pa lamang ay dapat magsagawa na ng national drive para pataasin ang solar at wind power.

“We need to increase solar and wind power as baseload. That requires that the Philippines gets access to solar and wind battery technology fast and soon,” giit nito.

Sinabi ni Salceda na kung ang wind at solar energy ay gagawing baseload energy o power supply ng bansa ay tiyak na may pagkukunan ng sapat na enerhiya.

Umaasa si Salceda na ngayon pa lamang ay kikilos na ang Department of Energy at Department of Trade and Industry para gawing baseload sources ang wind at solar power at maging aral na ang nangyayari ngayon sa China para hindi na matulad ang bansa.

Ani Salceda kung tututukan ng bansa ang wind at solar power ay kailangan mag-import ng malalaking solar at wind batteries, kapag masimulan ito ipinapanukala nya sa Kamara ang duty-free importation para sa lahat ng gagamitin dito at magkaroon din ng foreign scientists

“That technology is continuously evolving, so we need foreign talent here to install, maintain, and develop battery technology. So, I strongly recommend expedited and extended working visas for foreign scientists and operators of battery technology.”dagdag pa ng solon.

Sakaling simulan ang proyekto ay dapat din na pabilisin ng pamahalaan ang pagkuha ng permit kung saan inihalimbawa nito ang isinasagawang solar sa Batangas na inaabot ng sobrang tagal ang pag-iisyu ng land use permit. Gail Mendoza