Solenn, chill lang sa pang-o-okray ng netizen!

Solenn, chill lang sa pang-o-okray ng netizen!

March 21, 2022 @ 1:30 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Sa kanyang Instagram account, nag-post si Solenn Heusaff ng videos at photos ng kanyang ganap sa pag-attend ng Milan Fashion Week.

Kasama niya sa naturang okasyon ang mag-asawang Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Marami ang humanga sa kanyang pagiging fashionista sa mga litratong kanyang ibinahagi.

Sey ng netizens, naibalik na raw ng actress ang kanyang sexy body pagkatapos maging ina kay Baby Thylane.

Hirit pa ng ilan, napanatili raw ni Solenn ang kanyang kaseksihan kumpara sa ibang artista na nalosyang pagkatapos manganak.

Isa namang netizen ang inokray siya at sinabing gaya-gaya siya kay Heart Evangelista.

“Now everybody wants to be Heart,” sey ng netizen.

Sa halip na mapikon, chill lang ang naging sagot ni Solenn.

“I love Heart,” tugon niya.

Nagkomento naman si Heart sa kanyang tugon na, “Pakak,” with heart emoticon.

In-acknowlege rin nito si Heart sa kanyang post sa pagsasabing inspirasyon niya ang Kapuso actress.

“Only learning from you poks! Nakakapagod hahaha back to PJs for me! Excited to see your looks next week!” hirit niya.

Pagtatanggol naman ng ilang kibitzers, hindi raw nanggagaya si Solenn kay Heart dahil isa rin itong modelo at stylist.

Katunayan, papasa raw itong kabugin si Heart bilang fashionista. Archie Liao