Solenn, inakusahang ginamit ang mahihirap!

Solenn, inakusahang ginamit ang mahihirap!

March 4, 2021 @ 4:22 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Makati, Philippines – Si Solenn Heussaff na siguro ang pinakaseksing painter sa bansa. “Super hot mamma” pa nga ang bansag sa kanya bilang celebrity sa showbiz at sa sining.  May asawa’t isang anak na ang maalindog na Filipina-French actress-fashion designer kaya “super hot mamma” ang bansag sa kanya. 

 

Kamakailan ay ibinalita n’ya sa kanyang Instagram na magdaraos siya ng third solo art exhibit sa Modeka Creative Space in Makati mula March 26 hanggang April 24.

 

Tatlong litrato n’ya ang inilakip sa Instagram post na yon.

 

Napaka-hot n’ya sa isang pic sa suot n’yang parang bikini top at maikli at masikip na shorts habang naglalagay ng finishing touches sa isa sa mga paintings na kasama sa exhibit n’ya. 

 

Maalindog din siya sa isa pang larawan na nakaupo sa isang silya na nakapatong sa isang malaking carpet na siya rin ang nagdisenyo at nagpinta. 

Nasa likod naman n’ya ang isang painting na may stand at pwedeng idispley sa sala dahil mga halaman ang subject ng painting. 

 

Pictorial talaga ang kuhang ‘yon para siguro sa poster na mag-a-announce ng exhibit n’ya na may titulong “Kundiman.” 

 

‘Pag nilakihan ang litratong ‘yon, madidiskubreng sa harap pala ng isang squatters’ area ‘yon kinunan. 

 

Maraming netizens ang nakapuna sa “gimmick” ng pictorial na ‘yon at agad inakusahan ang super hot mamma na gumagamit ng “poornography” para i-

promote ang exhibit n’ya. Nakitaan siya ng butas para i-bash ng netizens. 

 

 

“Poornography” ang bansag sa mga likhang-sining (kabilang na ang ilang pelikula) na ang setting ay mga depressed area. 

 

Inamin naman ni Solenn na sinadya n’yang itampok ang depressed area na ‘yon sa pictorial n’ya para ipaalala sa madla na marami pa ring Pinoy ang kalunus-lunos ang buhay at nangangailanan ng atensyon ng mga awtoridad at ng mga mapagkawanggawa. 

 

Wala naman daw sa isip n’ya na mas bebenta ang paintings n’ya dahil sa background na squatters area sa pictorial na ‘yon. Wala siyang balak na ikansela ang exhibit dahil lang sa pamba-bash ng mga netizen. Danny Vibas


  •  
  •  
  •