Solenn, nanganak na!

Solenn, nanganak na!

December 16, 2022 @ 7:21 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Second- time parents na sina Solenn Heusaff at Nico Bolzico.

Mismong ang Argentinian betterhalf ng Kapuso actress shared the welcome news on his Instagram account.

Ani Nico, “What a crazy day today! Argentina qualified for the finals in the World Cup, and we have a healthy baby girl!”

Sa unang bahagi ng maikling video clip na ipinost ni Nico, he was wearing a hospital gown and a cap.

Dagdag post pa niya, ‘di hamak na mas mahalaga raw sa kanya ang pagdating ng kanilang ikalawang supling kesa sa finals ng World Cup “where Messi was playing a great name.”

Ipinauubaya na raw ni Nico ang pagbibigay ng mga detalye surrounding their newborn to Solenn.

Lionel ang naisip nilang ipangalan sa baby.
May makakalaro na ang two- year-old eldest child nilang si Thylane.

Kamakailan lang ay maraming ginulat si Solenn sa kanyang maternity pictorial in the nude.

Sapu-sapo niya ang malapit na palang lumabas na sanggol.

Solenn didn’t mind having pictures taken of her in the nude

Aniya, paraan daw ‘yon to inspire and empower women na hindi porke nasa ganoong kalagayan ang isang married woman ay may excuse na siyang magmukhang losyang.

Ikinumpara pa nga ang mapangahas na pagpapalitrato ni Solenn in her pregnant condition sa mga photos ni Jessy Mendiola who’s carrying her first child by Luis Manzano.

Understandable naman daw ang uneasy feeling ni Jessy dahil ngayon pa lang siya magiging ganap na ina. Ronnie Carrasco III