Dengue cases sa Pinas tumaas nang 131% mula 2021

August 15, 2022 @7:00 PM
Views:
2
MANILA, Philippines- Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 102,619 na kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hulyo 30 ,2022 na mas mataas ng 131 porsyento kumpara noong kaparehong panahon nitong 2021.
Ayon sa National Dengue Data ng DOH ngayong lingo, mayroong 44,361 kaso na naiulat mula Enero 1 hanggang Hulyo 30,2021.
Sa kabuuan, karamihan sa kaso ng dengue ngayong taon o 18 porsyento ay naitala sa Central Luzon na may 18,664 kaso ayon sa DOH.
Sinundan ito ng Central Visayas na may 10,034 o 10 porsyento at ang National Capital Region (NCR) na may 8,870 o 9 porsyento.
May kabuuang 23,414 na kaso ng dengue ang naitala mula Hulyo 3 hanggang Hulyo 30 lamang, kung saan nangunguna rin sa listahan ang Central Luzon na may 5,838 kaso o 25 porsyento.
Ang NCR ay may 2,689 (11%) at Calabarzon na may 2,369 o 10%.
Sinabi ng DOH na ang siyam mula sa 17 rehiyon na nakalagpas sa epidemic threshold para sa dengue sa nagdaang apat na linggo.
Ang mga rehiyon ay kabilang ang Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera Administrative Region at NCR.
Samantala, ang Mimaropa at Western Visayas ay nagpakita ng “sustained increase trend” ng dengue cases sa parehong panahon.
Ang death toll dahil sa dengue ay tumaas na ngayon sa 386 na naglalagay ng 0.4 % case fatality rate.
Sa mga pagkamatay na ito, 35 ang naganap noong Enerop ,31 noong Pebrero, 46 noong Abril, 64 noong Mayo , 74 noong Hunyo at 80 noong Hulyo. JocelynTabangcura-Domenden
90% ng mga pampublikong paaralan makikilahok sa F2F classes sa Aug. 22 – DepEd

August 15, 2022 @6:48 PM
Views:
6
MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes na tinataya nitong 90 porsyento ng 47,000 public schools sa bansa ang magsasagawa ng face-to-face classes sa Agosto 22.
Noong 2021, 76 porsyento ng mga pampubikong paaralan ang nagkasa ng in-person classes, base kay DepEd Undersecretary Epimaco Densing III.
“We expect this to rise to 90%. About 10% will still be blended, and we will be coordinating with the local government units to ensure they will allow face-to-face classes by that time,” sabi ni Densing sa isang press briefing.
Sinabi rin ni Densing na karamihan sa mga pribadong paaralan ay magpapatupad pa rin ng blended learning hanggang Oktubre 31.
Sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22, may opsiyon ang mga paaralan na magsagawa ng remote classes, blended learning mode, o in-person classes.
Subalit, lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ay kinakailangang magsagawa ng in-person classes pagsapit ng Nobyembre, alinsunod sa DepEd Order No. 34.
Upang madagdagan ang mga silid-aralan lalo na sa mga lugar na apektado ng kalamidad, nauna nang sinabi ng DepEd na magtatayo ito ng temporary learning spaces.
Sinabi ni Densing ang binawasan ang class size mula sa isang silid kada 70 estudyante sa 1:45 hanggang 1:55 ratio.
Idinagdag din niya na magkakaroon lamang ng shifting sa highly urbanized areas kagaya ng Metro Manila. RNT/SA
Ex-Agri chief Panganiban bagong DA undersecretary

August 15, 2022 @6:36 PM
Views:
17
MANILA, Philippines- Itinalaga si dating Agriculture secretary Domingo Panganiban bilang undersecretary ng Department of Agriculture (DA), ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Marcos, na siyang Agriculture chief, na naganap ang oath-taking noong Agosto 12.
“Isang karangalan ang makatrabaho ang ating mga dalubhasa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating bayan lalo na sa sektor ng agrikultura,” sabi ni Marcos.
Nagsilbi si Panganiban bilang Agriculture secretary sa termino nina Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo.
Nakasaad sa website ng Department of Agriculture na ipinagpatuloy ni Panganiban cang implementasyon ng Agriculture and Fisheries Modernization Act (AFMA) bilang comprehensive framework at platform for rural development ng pamahalaan sa panyang panunungkulan noong Enero 2001.
Sa ikalawang termino naman ni Panganiban, na-develop ang kabuuang 203,000 ektarya ng idle lands at nakalikha ng 313,000 trabaho sa ilalim ng Goal 1 at 10 Huwarang Palengke (outstanding markets) na tinukoy sa Goal 2. RNT/SA
DepEd: Unvaxxed teachers pwedeng magturo sa F2F classes

August 15, 2022 @6:24 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Papayagan na ang mga hindi bakunadong guro na magturosa muling pag-arangkada ng face-to-face classes sa Agosto 22, ayon sa Department of Education (DepEd) nitong Lunes.
Sa isang press conference, sinabi ni DepEd Undersecretary Atty. Revsee Escobedo na halos 37,000 guro ang hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19.
Sa bilang na ito, 20,000 ang magpapabakuna, habang ang natitirang 17,000 ay hindi.
“Ang bago nating polisiya ay papayagan na silang mag-report at magturo na rin provided na kailangan lang na they will still follow the minimum public health protocol like wearing of face mask and ‘yung silid-aralan na kanilang pagtuturuan ay dapat maayos ‘yung ventilations,” ani Escobedo.
“Wala na po tayong tinatawag na kailangang bakunado o kaya hindi pahihintulutan ‘yung mga hindi bakunado. Sa ngayon ay lahat ng teacher ay magtuturo sa ating estudyante at sila ay magrereport na sa kani-kanilang silid-paaralan,” patuloy niya.
Magugunitang inaprubahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2021 ang rekomendasyon ng DepEd na palawigin ang in-person classes sa mga lugar na nakasailalim ng Alert Level 2 pababa, sa kondisyon ang host local government unit ay payag dito, at aprubado ng mga magulang at guardian ang pagpasok ng mga bata sa paaralan.
Kaugnay nito, tanging vaccinated teaching at non-teaching personnel wlamang ang pinayagang makilahok sa face-to-face classes, habang mas mainam ang vaccinated learners.
Nagsimula ang pilot testing ng face-to-face classes sa bansa noong Nobyembre 2021 para sa mga pampubliko at pribadong paaralan, alinsunod sa mahigpit na health protocols.
Gayundin, sinabi ni Escobedo na ang mga guro na makikitaan ng COVID-19 symptoms way inaabisuhang manatili sa kanilang tahanan at magpa-test.
Dagdag niya, ang mga guro na naka-quarantine ay mayroong “excused leave with pay.”
“Kung sila ay nasa bahay, sila ay considered on leave o kaya excused ‘yung kanilang leaves,” sabi niya.
Sinabi ng DepEd na nakikipag-ugnayan na ito sa Department of Health (DOH) sa roll out ng mobile COVID-19 vaccinations at nago-organisa na ng counseling sessions sa unvaccinated learners sa mga paaralan.
Samantala, matatandaang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi magiging problema ang “commingling” ng mga estudyanteng bakunado na laban sa COVID-19 at mga hindi pa bakunado sa pagsisimula face-to-face classes. RNT/SA
Mandatory insurance coverage para sa ilang OFWs sinuspinde ng POEA

August 15, 2022 @6:12 PM
Views:
17