Solid debut ni Heading sa Taichung  kinapos vs Taiwan Beer

Solid debut ni Heading sa Taichung  kinapos vs Taiwan Beer

December 13, 2021 @ 9:36 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Kinapos ang solidong debut na ipinakita ni Gilas Pilipinas star Jordan Heading sa Taichung matapos matalo sa Taiwan Beer, 111-117 sa T1 League nitong Sabado ng gabi na ginanap sa University sa Taipei Tianmu Campus Gymnasium.

Matatandaang hindi nakapaglaro sa opening-day game sa Heading pero  kumamada ang Fil-Aussie guard sa kanyang unang laro sa Taichung ng limang 3 points sa kanyang itinarak na 26 points, eight rebounds, six assists at one steal.

Naging kontrobersiyal ang paglalaro ni Heading sa T1 League dahil nananatili itong nakakontrata sa Philippine national pool na Gilas Pilipinas.

Ganunpaman, nagtuloy pa rin sa paglalaro ang 6-foot-2 guard sa Taichung.

Nanguna sa ikalawang panalo ng Taiwan Beer si Diamond Stone na may 47 points, 12 rebounds, at five assists.

Umambag din si Tony Mitchell ng triple-double na 24 points, 11 boards, at 10 assists, habang si team captain Chiang Yu-an ay may 20 points, nine dimes, at two steals para sa HeroBears.

Nanguna naman para sa Taichung Suns si Palestinian star Sani Sakakini na tumarak ng 40 points, 16 rebounds, at seven assists sa unang game niya sa Taiwan.

Tumulong din si Chen Ching-huan anim na three-point at nagtapos na may 20 points habang si Ting Sheng-ju ay may 16 para sa Taichung.

Sunod na haharapin ng Suns ang bibisitang Kaohsiung Poseidon Aquas sa December 19 sa Kaohsiung Arena.JC