SOLID NORTH KAY BBM: TUMAKBO BILANG PANGULO

SOLID NORTH KAY BBM: TUMAKBO BILANG PANGULO

August 24, 2021 @ 11:40 PM 10 months ago


DAHIL sa nakikitang may malaking tsansa na manalo, hinimok ng mga lider ng nagkakaisang politiko sa mga lalawigan sa Northern Luzon si dating Senator Ferdinand Bongbong Marcos Jr o BBM na kumandidato sa 2022 presidential elections

Mas gusto ni Bongbong Marcos, na tawagin siyang Citizen Bongbong, na kung saan ay nagtala ng 17.8% rating, sumunod kay presidential daughter Sara Duterte na nagkamit ng 20.8 percent sa pinakahuling survey ng Publicos Asia, Inc.

Karamihan sa mga political leader ay binubuo ng mga alkalde, congressman at mga governor na matagal nang nakabuo ng grupo na mas kilala sa mga botante sa ilocandia bilang Solid North lalo na at kaya nilang gumawa ng block votes.

Ang mga lider sa Solid North na pinamumunuan ni Isabela Gov. Rodito Albano at League of Municipalities president at Narvacan Mayor Chavit Singson, kasama ang mahigit 30 congressman mula sa Luzon.ay nagpulong kamakailan, kasama si BBM.

Mismong si Senator Imee Marcos ang nag-ayos ng nasabing pulong bago ang SONA, na ginanap sa lumang bahay ng mga Marcos sa San Juan City, Metro Manila at doon hinikayat si BBM nina Singson ng Solid North leaders na kumandidatong Pangulo.

Maging si Marinduque Governor at League of Provinces President Presbiterio Velasco, na nandoon sa Sunday merienda-meeting, ay humihimok kay BBM na sumali sa presidential race upang matupad ang kanyang pangarap.

Ngunit hindi pa rin makapag-commit si BBM, na abala sa pamamahagi ng mga civic at tulong medikal sa government frontliners, kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhin sa 2022 elections.

Sa nabanggit din na pre-SONA merienda, tinalakay ng solid northern alliance ang 2022 presidential election at mga resulta ng maraming sur-veys na nagpapakita kay Marcos bilang malakas na kalaban sa pagkapangulo.

“Sa pagkakataong iyon, nanindigan si ‚Äú Manong Chavit at hinikayat ang grupo na magkaisa at suportahan si Bongbong na maghain ng kandidatura bilang presidente sa Oktubre,‚ÄĚ ayon sa isang solon.

Dagdag pa niya: “ang panawagan namin kay BBM na sumali sa presidential race ay nakasandig sa aming voting culture bilang Solid Alliance na kahit ano nangyari, hindi kami bibitaw sa aming kandidato sa national elective position.