Solidarity Mass, isinagawa bago ang kilos protesta

Solidarity Mass, isinagawa bago ang kilos protesta

July 23, 2018 @ 1:44 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sinimulan na ngayong ala-1:30 ng hapon ang isang “Solidarity Mass” sa St. Peter Parish Shrine of Leaders sa Commonwealth Ave. bago simulan ang kanilang kilos-protesta kasabay sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magkakasama ang mga lider ng iba’t ibang relihiyon sa bansa gayundin ang mga lider ng mga magkikilos protesta tulad ng Bayan Muna, Migrante, KMU, ilang grupo ng mga magsasaka, miyembro ng grupong Promotion of Church People’s Response, atbp. upang dumalo sa nasabing banal na misa.

Nagsama sama umano ang mga nasabing grupo ng iba’t ibang relihiyon at mga organisasyon upang magkaisa at malakas na ipanawagan sa administrasyong Duterte ang kanilang hinaing laban sa nagaganap na extra judicial killings, isyu sa Charter change, isyu sa Train Law, at iba pang hinaing sa social issues ng gobyerno.

Nais singilin ng mga nasabing grupo si Duterte hinggil sa ipinangako nitong “Change is Coming” dahil malaki umano ang kanilang paniniwala na wala umanong pagbabago sa bansa sa halip ay bumagsak pa umano ang ekonomiya ng bansa dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga ng Piso gayundin ang lumalalang krimen.

Iginiit din ng mga nasabing grupo na dapat ituloy ng gobyernong Duterte ang usapang pangkapayapaan o “Peace Talks” dahil naniniwala sila na isa ito sa mga dahilan na ikauunlad ng ating bansa. (Jay Reyes)