Solo parents, BHW sa N. Cotabato inayudahan ni Bong Go

Solo parents, BHW sa N. Cotabato inayudahan ni Bong Go

January 16, 2023 @ 2:31 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Patuloy sa pagtulong ang outreach team ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga nahihirapang Pilipino sa buong bansa at daan-daang solo parents, maging mga barangay healthcare workers (BHW) ang inayudahan sa isinagawang relief activity sa Libungan, North Cotabato.

Idinaos sa municipal gymnasium, ang mga tauhan ni Go ay namahagi ng mga kamiseta, meryenda, masks, bitamina at food packs sa kabuuang 401 benepisyaryo na binubuo ng solo parents at BHWs. Namigay din sila ng cellular phone, sapatos, at bola para sa basketball at volleyball.

“Asahan n’yo po na hindi po kayo pababayaan ng gobyernong palaging nagmamalasakit sa inyo. Ipaglalaban ko po palagi ang inyong kapakanan lalo na yung mga walang-wala — mga naghihirap, mga helpless at hopeless at walang ibang matakbuhan. Basta po patuloy lang tayong magtulungan dahil nais po namin siguraduhin na there should be no Filipino left behind towards recovery,” idiniin ni Go sa kanyang video message.

“I am very optimistic and hopeful na magiging maganda ang taon na ito para sa ating lahat. Huwag lang po kayong mawalan ng pag-asa at makababangon din tayo mula sa krisis na ito,” panghihikayat niya.

Ang Department of Social Welfare and Development ay nagbigay rin ng hiwalay na tulong pinansyal sa mga benepisyaryo para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Pinayuhan ni Go, pinuno ng Senate committee on health and demography, ang mga nangangailangan ng pangangalaga sa kalusugan na lumapit sa Malasakit Center sa Cotabato Provincial Hospital sa Kidapawan City.

“Kung may nararamdaman po kayo, kung sakit man sa puso o kung ano pa pong sakit, ‘wag niyo na pong patagalin. Naiintindihan ko po na minsan ay nag-aalangan ang iba na magpatingin sa ospital pero may Malasakit Center na po diyan sa Cotabato Provincial Hospital kaya napakadali na pong kumuha ng tulong galing sa gobyerno,” sabi ni Go.

Si Go rin ang naging instumento ng pagtatayo ng Super Health Center sa Kidapawan City at sa mga bayan ng Banisilan, Libungan at Arakan — na personal niyang binisita noong Oktubre.

Ang Super Health Center ay mas pinahusay na bersyon ng isang rural health unit.

Naglaan ng kaukulang pondo ang pambansang pamahalaan noong 2022 para makapagpatayo ng 307 Super Health Centers sa buong bansa.

Matagumpay niyang naisulong ang karagdagang pondo sa 2023 health budget upang matiyak na patuloy na makapagtatayo pa ng Super Health Centers. RNT