Solon: ‘Ghosting’ ideklarang emotional offense

Solon: ‘Ghosting’ ideklarang emotional offense

July 26, 2022 @ 6:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nabiktima ka na ba ng ghosting?  Kung naging biktima ka nito ay maaari ka nang magsampa ng kaso sakaling maisabatas ang panukala ni Negros Representative Arnulfo Teves na nagsusulong na gawing emotional offense ang ghosting o biglaang pang-iiwan nang walang mabigat na rason.

Sa House Bill (HB) 611 o An Act Declaring Ghosting as an Emotional Offense na inihain ni Teves ay tinuring nito na isang emotional abuse ang ghosting na maaaring magdulot ng mental at emotional suffering.

“Ghosting—when someone cuts off all forms or communication can be mentally, physically, and emotionally exhausting to the ‘ghosted’ person. Studies have shown that social rejection of any kind activates the same pain pathways in the brain as physical pain, meaning there’s a biological link between rejection and pain,” nakasaad sa panukala.

Ayon kay Teves kapag naging biktima ng ghosting ay makakaramdam ang isang indibidwal na rejected ito at mayroong epekto sa kanyang emotional state.

“The ambiguity with ghosting, is there is no real closure between the parties concerned and as such, it can be likened to a form of emotional cruelty and should be punished as an emotional offense because of the trauma it causes to the ‘ghosted’ party,'” ani Teves.

Wala namang nakapaloob sa panukala ni Teves na parusa sa ghosting bagkus nais lamang nitong maideklara bilang emotional offense ang ghosting.

Si Teves ang sya ding  mambabatas na naghain ng panukala na humihiling na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing Ferdinand E. Marcos International Airport. Gail Mendoza