Solon: Infra funds, gastusin

Solon: Infra funds, gastusin

March 16, 2023 @ 10:13 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Upang maiwasan ang underspending at mababang absorptive capacity, hinimok ni House Committee on Appropriations at Ako Bicol Rep. Elizaldy Co ang government agencies na gastusin ang pondo para sa infrastructure projects na nasa ilalim ng 2023 national budget.

Ayon kay Co, ngayon ang tamang panahon para magastos ang pondo para sa infrastracture projects ng gobyerno bago pa abutan ng election spending ban sa Oktubre kasabay ng isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections at panahon ng tag-ulan sa Hulyo hanggang Setyembre.

“We are already in the month of March, which means the government agencies have April, May, and June and then from November to December for the infra and another major spending,” paliwanag ni Co.

“Government agencies should improve their absorptive capacity and spending in those months where spending and projects could be hampered,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Co na sa nakaraang budget deliberations ay ilang bilyong halaga ng proyekto ang naantala dahil sa underspending o hindi nagasta ang pondo para sa mga importanteng programa ng pamahalaan.

“The 2024 budget hearings get underway next August, we expect accomplishment reports, not apologies and excuses,” giit pa ng mambabatas.

Una nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nasa 194 infrastructure flagship projects (IFPs) na nagkakahalaga ng P9 trillion ang inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos, ang nasabing projects ay nasa ilalim ng “Build Better More” kung saan nakatuon sa irrigation, water supply, flood management, digital connectivity, health, power and energy at agriculture. Gail Mendoza