Solon kay PBBM: Libreng-sakay ipagpatuloy

Solon kay PBBM: Libreng-sakay ipagpatuloy

June 29, 2022 @ 1:53 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Camarines Sur Rep Lray Villafuerte si President-elect Bongbong Marcos na ituloy ang “libreng sakay” program na naumpisahan si Pangulong Rodrigo Duterte nitong pandemic.

Ayon kay Villafuerte malaking tulong sa mga biyahero ang libreng sakaty at kung mapopondohan ito hanggang kahit sa pagtatapos ng taong 2022 ay malaking bagay.

“With transport costs now eating up a large share of the overall inflation rate in Metro Manila alone, the libreng sakay would prove to be a big help in cushioning the impact of the fuel price shock on the commuting public,” pahayag nito.

Ang free ride program ng public utility vehicles (PUVs) at  Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay magkasabay na magtatapos sa June 30, sa pagbaba sa pwesto ni Duterte.

Para pondohan ang libreng sakay ay nasa P7B pondo sa national budget ang ibinigay sa LTFRB, nasa P14 million kada araw ang ginagastos para sa kinuhang PUVs na nagbibigay ng libreng sakay para sa may 118 ruta. Ang libreng sakay ay binuksan sa metro Manila at may 14 pang rehiyon sa bansa.

Una nang sinabi ni LTFRB Executive Director Kristina Cassion na ang libreng sakay at dapat magtatapos sa Disyembre 2022 subalit dahil sa dami ng nag-aavail nito ay agad na naubos ang pondo.

Sinabi ni Villafuerte na ang libreng sakay ay malaking kaginhawan sa publiko lalo na at nasa P4 hanggang P5 ang hiling na dagdag pasahe pa sa mga PUJs. Gail Mendoza