Solon kay PBBM: ‘Walk the talk’ sa pagbabayad ng buwis

Solon kay PBBM: ‘Walk the talk’ sa pagbabayad ng buwis

February 9, 2023 @ 7:17 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – “Walk the talk.”

Ito ang naging puna ng isang solon sa sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na magbayad ng buwis sa tamang oras.

“Tama ang sinabi ni Pres. Marcos Jr. na dapat magbayad ng tumpak at napapanahong buwis but he should walk the talk,” ani House Deputy Minority Leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa isang pahayag.

Bunsod nito, inungkat ni Castro ang hindi nabayarang buwis ng pamilya Marcos na umano’y nagkakahalaga ng mahigit ₱200 bilyon.

Sinabi pa ni Castro na matagal nang nagpasya ang Korte Suprema nang may final na ang pamilya Marcos ay may utang sa gobyerno ng Pilipinas ng ₱23 bilyon na buwis sa ari-arian. Lumobo umano ang bilang sa ₱203 bilyon.

Kung mabigo si Marcos na bayaran ang hindi nababayarang buwis ng kanyang pamilya, kung gayon ay “walang moral ascendancy” na gumawa ng mga naturang pahayag, sinabi ng mambabatas. RNT