Solon maghahain ng resolusyon na susuporta sa mask-wearing rationalization

Solon maghahain ng resolusyon na susuporta sa mask-wearing rationalization

June 20, 2022 @ 2:48 PM 1 week ago


CEBU CITY, Philippines- Binabalak ni reelected Cebu fifth district Representative Vincent Franco “Duke” Frasco na maghain ng resolusyon na sumusuporta sa  pagsusuot ng face masks sa probinsya ng Cebu kapag nag-convene na ang 19th Congress sa Hulyo.

“Easing up on the mask mandate corresponds to the call of times, with our general population being vaccinated, hospitalization due to Covid-19 at very low levels, and our economy being in dire need of resuscitation,” aniya.

“This can only happen if we rationalize the mandates that convey our openness to move forward like other recovering economies have done post-pandemic such as the United States, the United Kingdom, Singapore, and Thailand,” dagdag niya.

Matatandaang nag-isyu si Cebu Governor Gwendolyn Garcia ng Executive Order No. 16 upang payagan ang opsiyonal na paggamit ng face masks sa well-ventilated at open areas.

Pinasa naman ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa bilang suporta sa polisiya ng gobernador.

Sa kabila ng iringan ng Department of the Interior and Local Government at ni Garcia, naninindigan ang huli sa kanyang desisyon. RNT/SA