Solon naghain ng resolusyon para parangalan si EJ Obiena

Solon naghain ng resolusyon para parangalan si EJ Obiena

July 31, 2022 @ 3:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naghain ang miyembro ng Kamara ng resolusyon na naglalayong bigyang-parangal si Olympic pole vaulter EJ Obiena sa pagbibigay ng karangalan sa bansa.

Inihayag ni Manila Second District Representative Rolando Valeriano nitong Linggo na dapat parangalan si Obiena “for winning a historic bronze in the 2022 World Athletics Championships and rising to Number 3 in the World Rankings for Pole Vault.”

“EJ is a real inspiration, not just to us from Tondo, but to all of us Filipinos This outstanding athlete, who is not just a world class pole vaulter, but a person of unparalleled compassionate character,” dagdag niya.

Ipinangako ni Obiena na ibibigay ang incentives na matatanggap niya mula sa Philippine Sports Commission kay Lydia De Vega-Mercado, isang track and field athlete na minsang hinirang na pinakamabilis na babae sa Asya. Kasalukuyan siyang nakikipaglaban sa stage 4 breast cancer. RNT/SA