Solon nagpasaklolo sa NBI experts sa imbestigasyon ng NAIA system glitch

Solon nagpasaklolo sa NBI experts sa imbestigasyon ng NAIA system glitch

January 9, 2023 @ 2:18 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpapasaklolo si House Minority Leader at 4Ps Partylist Rep. Marcelino Libanan sa National Bureau of Investigation (NBI) upang makatulong sa gagawing imbestigasyon ng Malaking Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa system glitch na naganap sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa mambabatas, kakailanganin ang mga NBI cybercrime experts na ipatatawag ng Kamara bukas, Enero 10 kung saan sisimulan na ang masusing imbestigasyon sa power outage sa NAIA noong Bagong Taon na nauwi sa pagka-stranded ng may 56,000 na mga pasahero matapos kanselahin ang may 282 na flights.

”Congress should enlist the help of National Bureau of Investigation (NBI) cybercrime experts when conducting inquiries into critical system disasters, such as the New Year’s Day navigation system crash at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) that caused a massive flight disruption,” ani Libanan.

Giit pa ng kongresista na dapat matiyak sa imbestigasyon na mabunyag ang tunay na pangyayari sa nabanggit na insidente sa pagsasabing “to leave no stone unturned.”

“If we want to be thorough in our investigation of unexpected critical system breakdowns, we have to call in a panel of specialists, including experts from the NBI’s cybercrime division, if only to rule out potential cyberattacks, sabotage, or other kinds of malicious activity.”

Kung sakali aniyang maulit ang mga ganitong insidente ay makabubuting hingan na rin ng tulong ang NBI para sa masusing pagsisiyasat.

“In the future, for example, if the national power grid system unexpectedly crashes and triggers a massive blackout, we should also bring in NBI experts, among other resource persons, to help in the investigation.The NBI should brace aggressively for the future, considering that potential cyberattacks clearly pose a growing threat.”

Dahil dito, pinayuhan ni Libanan ang NBI ihanda ang mga tauhan nito kasabay ng imbestigasyon sa naganap na critical system breakdowns.

Ang House Committee on Transportation ay pangungunahan ang imbestyigsasyon bukas kung saan ipatatawag ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na naunang nasisi sa pagbagsak ng Communications, Navigation and Surveillance Systems for Air Traffic Management (CNS/ATM) sa NAIA. Meliza Maluntag