Solon: Pinoy magiging ‘guinea pig’ sa US-PH nuclear talks

Solon: Pinoy magiging ‘guinea pig’ sa US-PH nuclear talks

November 22, 2022 @ 5:24 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Nangangamba si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na magiging “guinea pigs” lamang ang mga Pinoy sa nangyayaring usapan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas hinggil sa nuclear energy.

“The so-called ‘123 Agreement’ launched along with US Vice President Kamala Harris’ visit to Manila might pose more dangers than advantages to the Philippines,” babala ni Castro na mula sa Makabayan Bloc ng Kamara.

“Ang mahirap dito baka tayong mga mamamayang Pilipino ang ma-123 at maging mga guinea pigs ng teknolohiyang ito na tinetesting pa lang ng US,” dagdag ng lady solon.

Ipinaliwanag ni Castro na kung matuloy ang 123 Agreement ay ang US ang mangangasiwa sa pagbuo ng modular nuclear reactors o microreactors subalit ang magiging problema ang microreactors, ay nasa experimental stage lamang at legal lang sa US bases.

Giit ni Castro mayroong high risks na magkaroon ng leak at meltdowns sa paggawa nito.

“Mahirap talaga ang ganitong teknolohiya labas pa sa nuclear leaks na maaring mangyari lalo pa sa gagamitin nilang ‘high-temperature gas reactor’, and its fuel source, known as high-assay low enriched uranium tristructural isotropic fuel pellets ay kayang magkalat ng radioactivity sa malawak na lugar at maaaring pumatay sa mamamayan, mga hayop at mga puno, icocontaminate din nito ang kalupaan,” pagtatapos pa ni Castro. Gail Mendoza