Solon: “PM sent” na pagpresyo ibawal!

Solon: “PM sent” na pagpresyo ibawal!

December 22, 2022 @ 12:31 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Labag sa Consumer Act of the Philippines ang ginagawang “PM sent” ng mga retailers na paraan na pagsasabi ng presyo ng kanilang produkto.

Ito ang iginiit ni 4Ps Partylist Rep Marcelino Libanan kasunud ng paalala sa mga retailers na maglagat ng price tag sa kanilang mga produkto.

“Under the law, retailers are prohibited from offering any product for sale to the public without a price tag in pesos and centavos.
We must stress that the law compels all retailers, under pain of penalties, to put price tags on their products for all consumers to see. This applies to all retailers, regardless whether they are selling online or in physical stores,” pahayag ni Libanan.

“In order to protect consumers, we would urge the Department of Trade and Industry to rigorously enforce the price tag requirement,”giit pa nito.

Sinabi ni Libanan na sa kabila ng pagkakaroon ng batas ukol sa paglalagay ng price tag ay marami pa rin lalo sa mga online retailers ang nagpapaskil ng kanilang produkto sa media platforms nang walang nakalagay na presyo.

“They merely provide photos of their products along with other details, and then wait for consumers to ask for the price of the item they are interested in buying. Consumer Act ensures absolute pricing transparency and to safeguard the public against potential pricing abuses”paliwanag pa nito.

Umaasa si Libanan na babantayan ng DTI ang usapin na ito at patawan ng multa na P5,000 o pagkakakulong ng 6 na buwan sa sinumang lalabag, aniya, sa ilalim ng batas ang mga repeat offenders ay maaaring tanggalan ng busines permit at lisensya. Gail Mendoza