Solon pumalag sa pambu-bully ng China

Solon pumalag sa pambu-bully ng China

February 15, 2023 @ 5:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi napigilan ni 2nd District Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers na kondenahin ang pinakahuling pambu-bully ng China sa Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea na nagresulta sa pansamantalang pagkabulag ng ilang PCG personnel matapos silang gamitan ng military laser ng isang Chinese vessel.

“Now that China has finally owned up to its cowardly act of bullying us in our territorial seas, we condemn in the strongest terms these acts of aggression,” giit ni Barbers.

Dahil dito, nanawagan sa mga Pilipino si Barbers na magkaisa at suportahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapakita ng labis na pagkadismaya at paghahain ng diplomatic protest.

“We call on our fellow Filipinos to stand united and rally behind our President as he expresses our frustrations and protests diplomatically. We cannot anymore keep quiet and endure in silence. We have suffered long enough. Our fishermen have been directly victimized. As if it was not enough, they now provoked our military and committed an act of military aggression,” sinabi pa ni Barbers.

Giit ng mambabatas, hindi na pwedeng basta na lamang manahimik ukol sa isyung ito lalo na’t matagal nang nagdurusa ang marami dahil dito partikular na ang ating mga mangingisda.

Dahil dito, nanawagan si Barbers sa mga kaalyadong bansa na tulungan ang Pilipinas na maipatupad ang ating napanalunang arbitral ruling kaugnay sa isyu ng territorial dispute sa West Philippine Sea.

“We call on our allies to help us in the implementation of the arbitral ruling that gave us territorial jurisdiction over the seas now being occupied illegally and without an iota of basis neither in history nor in International Law, by China.” Meliza Maluntag