Solon sa air traffic control glitch, ‘something fishy’

Solon sa air traffic control glitch, ‘something fishy’

January 2, 2023 @ 2:57 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pangamba ang isang mambabatas nitong Lunes, Enero 2 kaugnay ng naranasan na glitch sa air traffic control system sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“The timing is quite fishy,” pahayag ni Act Teachers party-list Rep. France Castro.

Aniya, posibleng gamitin lamang ang isyu na ito bilang dahilan para isapribado na ang NAIA.

Kung babalikan ani Castro, noong Disyembre 30 ay inanunsyo ni Transportation Secretary Jaime Bautista na target ng kasalukuyang administrasyon na isailalim sa privatization ang NAIA.

“With the announcement of DOTr to privatize NAIA last December 30 and the ‘power outage’ yesterday, we could not blame the people to think that this could be intentional to rush its privatization without consulting the people,” pagdidiin ng mambabatas.

Matatandaan na kasabay ng pagsalubong sa 2023, daan-daang flight ang na-delay, nakansela at na-divert sa ibang mga paliparan makaraang magkaproblema sa air traffic control system.

Nagresulta din ito sa pagka-abala sa mahigit 56,000 na mga pasahero sa NAIA at iba pang mga paliparan sa bansa.

Ipinaliwanag naman ni Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Capt. Manuel Tamayo na suplay sa kuryente ng Air Traffic Management Center Communications, Navigation and Surveillance Systems for Air Traffic Management ang naging isyu sa naturang insidente. RNT/JGC