Solon sa decommissioning ng mga armas sa BARMM: Anyare?

Solon sa decommissioning ng mga armas sa BARMM: Anyare?

February 21, 2023 @ 5:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Malaki ang katanungan ni Basilan Rep. Mujiv Hataman kung ano na ang nangyari sa decommissioning ng armas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kasunod na rin ng naging ambush kay Lanao del Sur Gov Mamintal Adiong Jr.

“We have worked long and hard to achieve peace in the region, which I believe we started enjoying, until recently. Pero bakit ang pakiramdam ng mamamayan ay mas lalong lumalala ang sitwasyon kaysa bumubuti?” pahayag ni Hataman.

“Hindi ba dapat ay meron na tayong decommissioning ng mga armas ng private armies at dating mga rebelde? Ano na nga ba ang nangyayari sa normalization process? Ang karahasang ito ay hindi kailanman normal sa panahon ng kapayapaan,” giit pa ng mambabatas.

Aniya, hindi lamang ang ambush sa convoy ni Adiong ang naitalang karahasan sa mga nakalipas na araw sa Mindanao, nagkaroon din ng ilang patayan sa Pikit, Cotabato, kung saan ang biktima ay isang 13-anyos na estudyante; ang ambush at pagpatay sa isang Marine sergeant at isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Lanao del Sur at pag-hostage pa sa 39 miyembro ng Philippine army.

Pinakikilos ng solon ang law enforcement agencies na tukuyin ang nasa likod ng panibagong insidente sa rehiyon. Gail Mendoza