Solon sa DOE: Gas exploration sa Recto Bank payagan agad!

Solon sa DOE: Gas exploration sa Recto Bank payagan agad!

October 20, 2022 @ 10:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Energy (DOE) na agad na payagan ang exploration activities para sa service contractor nito sa Recto Bank para tupdin ang contract obligations nito.

“We understand that Forum Energy is raring to explore Recto Bank for gas and oil. We support the contractor’s plan to go into exploration activities. We call on the DOE to give its go-signal,” ayon kay Rodriguez sa isang kalatas.

Batay sa record mula sa DOE, ang Forum Energy na kontrolado ng billionaire-businessman Manny V. Pangilinan, ay required na mag-drill o magbutas ng dalawang offshore appraisal wells bago o sa mismong araw ng Oktubre 16, 2022 sa ilalim ng service contract nito, sa lugar na matatagpuan sa loob ng Recto Bank basin.

Ang Recto Bank, kilala rin bilang Reed Bank, ay nakapaloob sa “Philippine exclusive economic zone northwest of Palawan, in waters disputed with China.”

Sinabi ni Rodriguez na ang “DOE and other concerned government agencies, including the Department of National Defense, should help Forum Energy in its undertaking as “they (Forum) are doing it not just for themselves but for the nation and the national interest.”

Aniya pa, kanilang naiintindihan ang Forum Energy na naghahangad na galugarin ang Recto Bank para sa gas at langis kaya giit nito na suportado nito ang plano ng kontratista na magsagawa ng gas exploration kaya nanawagan ang mambabatas sa DOE na magbigay na ng go-signal.

Wika pa niya, kailangang tulungan ng DOE at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of National Defense, ang Forum Energy sa pagsasagawa nito.

Iginiit ni Rodriguez ang pinaniniwalaang mayroong gas at oil reserves ang Recto Bank kaysa sa Malampaya gas project.

Ang Malampaya ang siyang nagsusuplay ng malaking bahagi ng natural gas fuel na kailangan ng mga power plant sa Luzon.

Ito ay inaasahang matutuyo sa loob ng ilang taon kaya ang Recto Bank ang magiging kapalit nito.

Sinabi pa ni Rodriguez na kung matutuyo ang Malampaya nang walang gas na kinukuha sa Recto Bank, mapipilitang gumamit ang bansa ng mas mahal na gasolina ang mga power plant sa Luzon. RNT