Solon sa DOJ: Manipulador ng agri prices, supply, tugisin!

Solon sa DOJ: Manipulador ng agri prices, supply, tugisin!

January 19, 2023 @ 9:21 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Umapela ang isang party-list solon sa Department of Justice (DOJ) na atasan ang National Bureau of Investigation at isang panel of prosecutors na habulin ang mga nananabotahe sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga presyo at supply ng anumang ani ng sakahan.

Sinabi ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera na dapat magkasa ang DOJ ng mga solidong kaso na “fool-proofed against technicalities and excuses” at ikulong ang mga economic saboteurs.

“We have to go beyond raids on warehouses. We need paper trails, electronic trails, protected witnesses and convictions,” giit Herrera.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa matitinding parusang administratibo at matigas na multa upang pansamantalang isara ang mga ito habang nakabinbin ang kanilang mga kaso.

“Some of these heartless saboteurs would try to blame external factors, that other countries are also experiencing the same problems. They would even blame the pandemic,” anang solon.

“But these wild fluctuations in prices and supply of agricultural products have happened time and again despite the many laws meant to curb economic sabotage—situations which have led many to suspect that the economic saboteurs operate outside and within the government agencies that are supposed to thwart the saboteurs,” dagdag pa niya. RNT