Solon sa PNP: Seguridad ng gov’t officials dagdagan

Solon sa PNP: Seguridad ng gov’t officials dagdagan

March 8, 2023 @ 6:51 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapalakas pa ng seguridad para sa mga local government officials kasunod ng ilang insidente ng pag-atake laban sa kanila.

Ayon kay PNP head for the Directorate for Personnel and Records Management Brig. Gen Matthew Baccay, nakipagkita umano ang PNP at Department of Interior and Local Government (DILG) sa Union of Local Authorities in the Philippines, League of Governors at League of Mayors nitong Martes, Marso 7 para pag-usapan ang mga bagay kaugnay dito.

“What was discussed was the provision of PSPs, Protective Security Personnel, to those who are allowed, including private individuals and an increase is possible through the protocols set up for the provision of PSP’s and PA’s protective agents,” ani Baccay.

“For now the move of the PNP is [to] provide additional security personnel for those with validated threat assessment and for the others who wish to avail of PSPs and PAs,” dagdag niya.

Aniya, limitado lamang sa pagbibigay ng dalawang Protective Security Personnel ang laan para sa local chief executive.

Dahil dito, hinimok ng mga mambabatas ang PNP na dagdagan pa ang seguridad ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

Pinuna naman ni House Committee on Public Order and Safety Chair Rep. Dan Fernandez ang pagpalya ng PNP na maiwasan ang pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

“Somehow you have to have a vision kasi otherwise all of us elected officials will have this bad dreams every night na baka paggising namin kami na. So what instruments do you have in mind considering that others failed? tanong ni Fernandez.

Samantala, sinabi naman ni Misamis Occidental 2nd District Rep. Sancho Fernando Oaminal na nakatatanggap na noon pa ng banta si Degamo.

“Why is it na hindi po natin na-prevent?” tanong naman ni Oaminal.

“How about the 311 members of the Lower House? Does that include us doon sa securities na bibigyan po? How about us? I believe, lahat po ng pumasok sa politika andiyan na po yung threat eh,” patuloy na pagtatanong nito.

Ipinaliwanag ni Baccay na kasalukuyan nang pinag-aaralan ang pagbibigay ng seguridad sa mga congressman.

“Yes sir, because as we speak each member of the House of Congress is allowed 2 and under extreme and emergency cases may add up to 6. So with recent incidents, the attendees yesterday were asking for more and that’s what I meant by studying the increase in the number of bodyguards.”

Pumayag naman si Baccay sa panawagan ni Fernandez na magsagawa ang PNP ng fresh threat assessments.

Siniguro rin niya na palalakasin pa ng PNP ang operasyon laban sa guns for hire, kasama ang paglalagay ng check point sa iba’t ibang mga lugar. RNT/JGC