Solon sa Senado: Panukalang magtatatag ng permanenteng evacuation centers paspasan

Solon sa Senado: Panukalang magtatatag ng permanenteng evacuation centers paspasan

April 18, 2022 @ 11:35 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang isang mambabatas sa Senado nitong Lunes na pabilisin ang bersyon nito ng panukala na nagsusulong ng pagtatalaga ng permanenteng evacuation centers kasunod ng pagtama ng bagyoong Agaton sa Visayas.

“A secure and safer evacuation place has long been the desire of our people living in disaster-prone areas and it behooves on congress to finally heed this oft-repeated lamentation,” pahayag ni Bayan Muna party-list Representative Carlos Isagani Zarate.

“The fact that the Philippines is a country often visited by typhoons yearly, the government has to undertake measures while waiting for the completion of a comprehensive disaster preparedness program and its eventual implementation,” dagdag niya.

Iginiit ni Zarate na maraming buhay ang maililigtas ng matibay, typhoon-resilient, at climate change-adaptive na evacuation center.

Aniya pa, dapat itayo ang mga ito sa lugar na ligtas sa tubig at landslide-prone areas.

“It should have a stockpile of food and water as well as isolation centers and clinics. It can also house generators and secured cell sites so that there would be communications even if other towers are down,” sabi pa ni Zarate.

Si Senator Sherwin Gatchalian ang nagsulong ng pagtatatag ng permanent evacuation centers noong 2021, lalo na sa mga lugar na madalas tamaan ng sakuna. RNT/SA