Solon sa SUCs: Nursing courses buksan na matapos ang ban

Solon sa SUCs: Nursing courses buksan na matapos ang ban

July 18, 2022 @ 11:20 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasunod ng desisyon ng Commission on Higher Education(CHED) na tanggalin na ang ban sa nursing programs, umapela si Makati City Rep. Luis Campos Jr sa mga state universities and colleges (SUCs) na simulan nang magbukas at magbigay ng Bachelor of Science in Nursing (BSN) courses.

“We are counting on SUCs that still do not offer the BSN program to be among the first to apply and comply with the requirements to establish new nursing schools,” pahayag ni Campos.

Ayon kay Campos sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, o Republic Act 10931 ay libre ang tuition fee at bayarin sa undergraduate programs kabilang dito ang apat na taong BSN course kaya naman kung magbubukas ang SUCs ng ganitong kurso aymas  maraming high school graduates ang kukuha nito.

“In Congress, we are prepared to support SUCs that will request for additional funding so that they can put up new nursing schools,” pagtiyak ni Campos.

Sinabi ni Campos na mahalagang magkaroon ng maraming estudyante na kumuha ng nursing courses upang maibsan ang pangamba na shortfall sa nurses.

Sa datos ng World Health Organization (WHO) sa report nito na State of the World’s Nursing, sinabi nito na kung hindi tutugunan ang problema sa nurses ay aabot sa 4.6M ang shortfall sa nurses pagdating ng 2030.

Sa Pilipinas, sinabi ng WHO na ang shortfall ay inaasahang nasa 249,843 pagdating ng 2030 kaya sa ngayon pa lamang ay importanteng maglatag na ng programa para matugunan ito.

Una nang sinabi ni CHED Chairpersin Prospero de Vera na bukas ang ahensya sa pagtanggap ng aoplikasyon sa mga higher education institutions na gustong mag-offer ng kanilang BSN programs. Gail Mendoza