Solon: Vloggers accreditation ng OPS tuloy pa ba?

Solon: Vloggers accreditation ng OPS tuloy pa ba?

September 27, 2022 @ 9:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lumutang ang isyu ng pagpaprayoridad ng Office of the Press Secretary (OPS) sa akreditasyon ng mga vlogger sa ginanap na pagbusisi ng plenaryo sa budget ng OPS.

“Last June 22, Mr. Speaker, Press Secretary Trixie Cruz-Angeles mentioned there vloggers with high engagement and following in social media might be allowed access to Malacañang events after accreditation,” ani minority solon Camarines Sur 3rd district Rep. Gabriel Bordado sa plenaryo.

“Priyoridad pa rin ba ng OPS ang akreditasyon ng mga blogger at social media practitioners?” dagdag pa niya.

“Mr. Speaker, the OPS is open to the possibility of accreditating vloggers,” tugon naman ni Marikina City 2nd district Rep. Stella Quimbo na siyang sponsor ng budget at siya ring senior vice chairperson ng Committee on Appropriations.

“But at this point in time, they are still studying the matter and in case they do decide to accredit vloggers, of course it would be important to provide the necessary training, Mr. Speaker,” dagdag pa ni Quimbo.

Ang wastong pagsasanay sa pamamahayag ay paulit-ulit na binanggit bilang isang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng mga pangunahing tagapagsanay ng media at vlog-based content creators. RNT