Solong mananaya mag-uuwi ng P19.5M sa pagpasok ng 2023

Solong mananaya mag-uuwi ng P19.5M sa pagpasok ng 2023

January 3, 2023 @ 8:07 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Wagi ang solong mananaya ng tumataginting na P19,503,337 nang matumbok ang Megalotto 6/45 jackpot prize noong Lunes ng gabi, Enero 2, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang winning combination para sa nasabing draw ay 04-26-38-15-34-17.

Bukod sa nag-iisang nanalo ng jackpot, nasa 11 mananaya naman ang mag-uuwi ng tig-P32,000; habang nasa 893 mananaya ang nanalo rin ng P1,000 bawat isa, habang mayroong 16,977 na tatanggap ng P30.

Upang makuha ang kanilang mga premyo, ang mga mananalo ay kinakailangang pumunta sa pangunahing opisina ng PCSO sa Mandaluyong at ipakita ang kanilang mga nanalong tiket kasama ang dalawang valid identification card.

Ang mga premyong higit sa P10,000 ay sasailalim sa 20 porsiyentong buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ayon sa PCSO, ang mga premyong hindi na-claim sa loob ng isang taon mula sa petsa ng draw ay “ituturing na forfeited.”

Samantala, sa kaparehong buod ng mga resulta ng draw, inihayag ng PCSO na wala pa ring nanalo sa tumataginting na Grandlotto 6/55 jackpot prize na P123,065,224.80. RNT