Solong mananaya nagwagi sa Grand Lotto jackpot – PCSO

Solong mananaya nagwagi sa Grand Lotto jackpot – PCSO

November 6, 2022 @ 11:53 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagwagi ng P29.7 million jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado, Nobyembre 5 ang isang solong mananaya.

Ito ay ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office kung saan maliban dito ay mayroon din umanong isa pang mananaya ang nanalo naman ng nasa P15.4 million jackpot prize sa 6/42 Lotto draw.

Ang winning combination na nasapul ng mananaya sa Grand Lotto ay ang mga numerong: 40-03-34-37-19-15 samantala ang Lotto 6/42 winning combination naman ay 31-32-08-25-29-14.

Dagdag pa ng PCSO, 12 naman ang nanalo ng second prize na P100,000 sa Grand Lotto at 22 naman ang nagwagi ng P24,000 bilang second prize sa Lotto 6/42 draw.

Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang ay nakapagtala ng 433 winning tickets ang nanalo sa  P236,091,188.40 jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. RNT/JGC