Solong pondo para sa swine and poultry industry ipinanukala

Solong pondo para sa swine and poultry industry ipinanukala

September 7, 2022 @ 8:24 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Isang panukala ang inihain ni House Committee on Agriculture and Food chairman at Quezon Rep. Mark Enverga na nagsusulong na magkaroon ng Swine and Poultry Competitiveness Enhancement Fund (SPCEF) na tututok sa pangagailangan ng industriya.

Layon ng House Bill 3570 ni Enverga ang magkaroon ng “dedicated fund” para sa industriya ng manok at baboy upang agad na matugunan kung magkaroon ng problema o may magsulputang mga sakit gaya ng African Swine Fever, Bird Flu at iba pa.

Ayon kay Enverga karaniwang nagiging tugon ng bansa kung mayroong mga outbreak at kakapusan sa supply ay ang pag-iimport subalit para sa mambabatas ang “importation regime” na ito ng gobyerno ay nakaka-apekto sa naghihingalo nang lokal na industrya.

Sinabi ni Enverga na hindi pag-iimport ang sagot kapag may problema sa supply bagkus ang dapat na maging tugon ay palakasin ang industriya ng pagmamanok at pagbababoy.

“kung mayroong SPCEF ay mailalain ito sa mga programa, proyekto, aktibidad at subsidiya, sa ganitong paraan ay mapapalakas ang industriya na magbibigay daan para makamit ang food security na hangarin ng ating pamahalaan”paliwanag ni Enverga.

Sakaling maisabatas ay aamyendahan ng panukala ang Republic Act 8178 o Agricultural Tariffication Act ang Department of Agricuture ang mangangasiwa sa SPCEF. Gail Mendoza