Solons bibigyan ng P5-P10M reward si Hidilyn; matatanggap gagawing tax-free

Solons bibigyan ng P5-P10M reward si Hidilyn; matatanggap gagawing tax-free

July 28, 2021 @ 3:54 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kumakalap sa kasalukuyan ang Kamara ng pera upang madagdagan ang insentibo para kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

“Si Speaker Lord Allan Velasco has initiated a move, he started with P200,000 and (he’s) passing the hat to every congressmen and congresswomen to mag-ambag or pass the hat para sa additional incentive kay Hidilyn,” ani Deputy Speaker Michael Romero sa isang virtual press conference.

Target ng Kamara na makakalap ng P5 hanggang P10 milyon para kay Diaz.

“As we speak nagpapasahan na ng hat ngayon and ‘yung mga pledges from congressmen are being done as we speak. I think as we speak, mayroon ng P4 million from various congressmen,” saad ng mambabatas.

Samantala, isinusulong din ni Romero at Deputy Speaker Bienvenido Abante nag awing tax-free ang mga matatanggap ni Diaz na insentibo.

“Kaming dalawa should pass probably a resolution para naman ‘yung winnings ni Hidilyn will be tax-exempted, both sa donor and sa beneficiary should be exempted of any form of tax… She should be our national hero, they only come every 100 years,” aniya.

“I reiterate the call for creating a resolution to make the winnings of Hidilyn tax-exempted,” dagdag ni Romero. RNT/ELM


  •  
  •  
  •