Solons sa mga tsuper, operator: PUV modernization bigyan ng pagkakataon

Solons sa mga tsuper, operator: PUV modernization bigyan ng pagkakataon

March 6, 2023 @ 2:44 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Umapela ang mga kongresista sa iba’t ibang samahan ng mga tsuper at drayber sa buong bansa na bigyan ng pagkakataon ang implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Kasabay nito ay pinabulaanan ni PBA Partylist Rep. Margarita Nograles na dahil sa programang ito ay mawawalan ng hanapbuhay ang mga tsuper gayung ito rin ay nakasentro kung paano magkakaroon ng modernized jeepney sa mga lansangan.

“I appeal to our drivers and operators to give modernization program a chance. We have to step up and embrace change because our public transportation system is getting really bad. I don’t think it is accurate to say that the modernization program will dislocate our drivers and operators,” ani Nograles.

Dahil dito nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang House Committee on Transportation upang talakayin at ilatag ang mga dapat baguhin at ayusin sa implementasyon ng PUVMP na siyang tinututulan ng mga tsuper at operators na nauwi sa paglulunsad ng malawakang tigil-pasada na nagsimula nitong Lunes, Marso 6.

Tinukoy ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights-Philippine Taxi Drivers Association (DUMPER PTDA) Partylist Rep. Claudine Diana Bautista-Lim na mismong si Pangulong Marcos ang nagsabing meron pang mga dapat talakayin sa implementasyon ng programa.

“We in government are sensitive to the plight of the transport sector. We are after the welfare not only of operators and drivers of PUVs but the riding public as well. Contrary to misinformation, ‘consolidation’ does not equate to phasing out traditional jeepneys,” ayon pa kay Bautista-Lim, vice chairperson ng House Committee on Transportation.

Hiwalay din na makikipagpulong ang kongresista kay Sec. Bautista upang matalakay ang panukalang pagbili ng mga locally-made modernized jeeps kahit may importasyon at matulungan ang mga tsuper ukol sa posibilidad ng financing terms at dagdag na subsidiya.

Nauna nang nagbigay katiyakan si Bautista-Lim na walang ‘jeepney phase-out’ pagkatapos ng Disyembre 2023.

“No less than Transportation Secretary Jaime Bautista clarified that consolidation does not mean the end of the line for traditional jeepneys. The deadline set is for operators and drivers to either form or join cooperatives or incorporate themselves into collective juridical entities.”

Inihalimbawa din ni Bautista-Lim na sa Davao ay 24 na kooperatiba na ang lumagda sa manifesto upang suportahan ang nabanggit na programa.

Tinutulan naman ni Albay Rep. Joey Salceda ang panibagong extension ng implementasyon ng PUV phase-out sa pagsasabing “extension is a band-aid, greater support is the answer. While an extension is welcome news, it will not solve the underlying problem: the subsidy is not enough.” Meliza Maluntag