Soltero na may klepto, binaril-patay!

Soltero na may klepto, binaril-patay!

July 24, 2022 @ 3:35 PM 3 weeks ago


MINGLANILLA, Cebu- PINAGBABARIL patay ang isang lalaki na may sakit na kleptomania sa loob ng kanilang tindahan ng hinihinalang biktima ng pagnanakaw ng una Sabado sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Adrin Solamo LLamas, 35, soltero at residente sa Purok Candle, Sitio Fatima, Brgy. Lower Lipata, Minglanilla.

Batay sa report ng Minglanilla Police Station, dakong 7:15 AM naganap ang krimen sa loob ng sari-sari store sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Staff Sgt. Allan Villasorda, imbestigador ng ng Minglanilla Police Station, nakaupo ang biktima sa loob ng kanilang tindahan ng bigla na lamang siyang pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek gamit ang 45. Kalibre na baril.

Tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang mabilis naman tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo.

Nabatid, bago ang krimen inireklamo sa kanilang barangay ang biktima ng kanyang mga biktima mula sa Brgy. Linao, Minglanilla at tinangay nito ang halagang P30,000.00.

Nagkaroon naman ng kasunduan ang mga magulang ni Llamas na sina Bienvenido, 61, at ina na si Florenda, 60, na hindi na magsasampa ng kaso at naibalik na ang pera na kinuha.

Aminado naman ang mag-asawa na madalas nagnanakaw ang kanilang anak dahil sa sakit nitong kleptomania.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen./Mary Anne Sapico