Solusyon ng Pangulo sa tumataas na cost of living sa bansa, dapat ipresenta sa SONA – Pangilinan

Solusyon ng Pangulo sa tumataas na cost of living sa bansa, dapat ipresenta sa SONA – Pangilinan

July 20, 2018 @ 6:29 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pagpresenta ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyunan ang tumataas na cost of living at unemployment sa bansa sa State of the Nation Address sa Lune (July 23), hiniling ni Senator Francis Pangilinan.

“Sana masasabi niya sa taumbayan paano niya masosolusyonan ang problema ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, paano madadagdagan ang kita ng mamamayan, paano mabibigyan ng trabaho ang taumbayan,” sabi ni Pangilinan.

“Heto ang sigaw ng taumbayan. Sana makinig siya at tugunan ito sa SONA,” sabi pa ni Pangilinan.

Samantala, inaasahan naman ng presidente ng PDP-Laban party na magbibigay ang punong ehekutibo ng ibang detalye tungkol sa plano nitong pagpapatupad ng pederalismong gobyerno sa sa bansa.

“An accurate report on the state or condition of our country, his overall vision and philosophy, where the president wants the country to go or what he wants to see achieved in our country, some specifics on how to achieve it ” sabi pa ni Senator Aquilino Pimentel III.

Ang mga batas naman na pinirmahan ni Duterte kabilang na ang libreng tuition sa mga state universities, school feeding, anti-hazing at free irrigation ang gustong marinig ni Senator Juan Edgardo Angara.

“Perhaps also a bit on the Bangsamoro organic law and the peace process in Mindanao. And of course his favourite topics peace and order and the anti drug efforts,” sabi ni Angara. (Remate News Team)