‘Son of God’ nagwala habang hubo’t hubad sa hotel

‘Son of God’ nagwala habang hubo’t hubad sa hotel

February 23, 2023 @ 12:21 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang lalaking nagpakilalang si ‘Son of God’ ang nagwala habang nakahubo’t hubad sa lobby ng isang hotel sa Cubao, Quezon City, Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa security guard at receptionist sa naturang hotel, unang bumaba sa lobby ang guest para magcheck out, ngunit wala siyang maibigay na susi kaya pansamantala muna siyang pinaghintay.

Matapos nito ay lumapit umano ang lalaki nang naka-hubo’t hubad na. Nagawa naman nila itong awatin at papasukin sa kanyang pinagmulang hotel room.

Nang dumating ang pulisya ay naabutan nilang wala pa rin sa wisyo ang lalaki pero nakadamit na. Sinubukan nila itong kilalanin pero walang nakuhang ID. Nagpakilala naman ang lalaki bilang si Son of God.

Samantala, nakadiskubre naman ng awtoridad ang pinaghihinalaang iligal na droga sa kanyang mesa, at ng plastic syringe sa basurahan.

Iniimbestigahan na ang lalaki. RNT