SONA 2018, ididirek ni Bb. Joyce Bernal

SONA 2018, ididirek ni Bb. Joyce Bernal

July 5, 2018 @ 2:24 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Kinumpirma na ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na si Bb. Joyce Bernal na ang director ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Bernal na ang ikalawang director na hahawak ng isa sa pinakamahalagang kaganapan sa administrasyong Duterte matapos ang dalawang beses na pagdidirek ng award-winning na si Director Brillante Mendoza.

Ayon kay Andanar, ang aktor na si Robin Padilla na kilalang masugid na supporter ng pangulo ang siyang nag-request kay Pangulong Duterte na kung pwedeng si Bernal ang magdirek ng SONA ngayong taon.

“And the President approved it,” opisyal na pahayag ng palasyo.

Ilan sa mga idinerek ni Bernal ang mga blockbuster na comedy-drama gaya ng “Kimmy Dora”, “The Super Parental Guardians,” ‘Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo,” at “Don’t Give Up On Us.”

Gaganapin ang ikatlong SONA ni Pangulong Duterte sa Batasang Pambansa sa Quezon City sa July 23. (Remate News Team)