SONA, na-delay dahil sa komosyon sa Kongreso

SONA, na-delay dahil sa komosyon sa Kongreso

July 23, 2018 @ 4:43 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Bago pa man mag-alas 4 ng hapon ay nakarating na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa para ihatid na ang kanyang ikatlong State of the Nation Address.

Agad na sinalubong nina Senate President Vicente Sotto III, Speaker Pantaleon Alvarez, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, House Majority Leader Rodolfo Fariñas at Representative Reynaldo Umali, chair ng House Justice Committee ang pagdating ng pangulo.

Pansamantalang naantala ngayon ang kanyang paghahatid ng Ulat sa Bayan dahil sa naging komosyon ng mga kongresista kaugnay sa pagpapatalsik kay Rep. Alvarez at pag-upo bilang House Speaker ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Bagama’t delayed na ang oras ng talumpati ng pangulo ay inaasahan namang aabot lang ito sa 35 minuto gaya nang naunang plano. (Remate News Team)