SONA ni BBM, ‘wag sana puro ukol sa unity – Kabataan Partylist

SONA ni BBM, ‘wag sana puro ukol sa unity – Kabataan Partylist

July 20, 2022 @ 3:37 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umaasa ang Kabatan Partylist na hindi lamang iikot sa panawagan para sa pagkakaisa o unity ang kauna unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos bagkus ay tututukan nito ang mga problema ng bansa.

“President Ferdinand Marcos Jr. should go beyond his call for unity in his first  SONA.For the SONA, we expect na mag-go beyond na siya doon sa empty rhetoric ng unity kasi kung taumbayan naman, actually, we have lots of unity,” pahayag ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel.

Ayon kay Manuel isa sa nais nyang marinig sa SONA ay ang konkretong plano laban sa COVID 19 sa harap na rin ng pagbabalik na sa face to face classes.

Hiniling din na mapabilang sa priority measures ni Pangulong Marcos ang inihain nilang panukala na Safe School Reopening bill kung saan inilatag dito ang mga pangangailangan para sa ligtas na pagbubukas ng mga campuses sa ilalim ng new normal. Gail Mendoza