SONA ni PBBM ididirek ni Paul Soriano

SONA ni PBBM ididirek ni Paul Soriano

July 21, 2022 @ 12:24 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – It’s confirmed. Tama nga ang hula ng karamihan na si Paul Soriano ang direktor ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“I am grateful and honored for this rare opportunity. Anytime the President needs me, I will deliver and do my best.

“It will be simple and traditional and will focus on his message,”sabi pa ni Direk Paul.

Nakapag-rehearse na rin sina Direk Paul kasama ang Pangulo with Radio Television Malacanang (RTVM). Kasama ni Direk ang kanyang long-time creative collaborator, ang cinematographer na si Odie Flores..

Sabi pa ni Direk Paul, “The President is hands-on in the crafting of his speech which will be concise, clear and direct to the point.

“The real challenge is for the public to hear him well. After all, this is a two-way process where listening skills is important to hear his message,”sabi pa niya.

Kumpirmado rin ang pagkanta ng isang Ilocano choir group ng  National Anthem sa unang SONA ni PBBM.

Ini-expect na magiging jampacked ang first SONA ni PBBM Jr. lalo’t umabot daw sa 1,365 na personalidad ang inimbitahan kasama sina Vice President Sara Duterte, mga dating presidente ng bansa at members ng Congress at Senado. Joey Sarmiento