SONA ni PDU30, walang bago

SONA ni PDU30, walang bago

July 27, 2020 @ 7:34 PM 1 week ago

Share

Manila, Philippines – Para sa Bayan Muna walang pagbabago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na gaya ng dati ay puno ng mga palusot at pakikipagtalo para itago ang tunay na estado ng bansa at kabiguan nito na tugunan ang problema sa COVID 19 pandemic.

Ayon kay Bayan Muna Rep Carlos Isagani Zarate, isa lang ang napatunayan sa talumpati ng Pangulong Duterte, ito ay hindi ito neutral sa naging pagpapasara ng TV network na ABS-CBN.

“From the beginning and towards the end of his speech, he again used these as opportunity to hit his critics like Sen. Drilon and the Lopezes. From the start of his speech, it is now clear that he is not at all neutral on the shutdown of ABS-CBN network” paliwanag ni Zarate.

Muli nitong inatake ang mga kagalit na oligarch subalit tahimik naman sa mga oligarch na malapit sa kanya.

 

“He again selectively attacked supposed oligarchs but remain silent on oligarchs that are close to him. Yes, he should go after oligarchs but he should go after them all and not just use his power to attack those against him and give their businesses to his cronies” dagdag ni Zarate.

Tinuring din ng Bayan Muna na tila inamin na ng Duterte administration na bigo ang kanilang inilunsad na madugong drug campaign kaya naman ipinapanawagan na nito ang pagbuhay sa death penalty.

“Five years into the Duterte presidency, yet, impunity and tyranny continue to be its hallmarks”giit pa ni Zarate.

Samantala binira naman ni Albay Rep Edcel Lagman ang kawalan ng masterplan ng Duterte administration para solusyunan ang COVID 19 pandemic.

“The only statement of the President pertinent to a “roadmap” in response to the pandemic is his endorsement for the Congress to approve the “Bayanihan Act Part II” which appropriates a minimal amount of only P140 to P162 billion”paliwanag ni Lagman kung saan lubha umanong maliit ang nasabing pondo kung ikukumpara sa ibang Asean countries.

Hindi rin umano binigyang pagkilala ni Pangulong Duterte ang naging malaking ambag ng medical experts at economists sa pagresolba sa pandemic. Gail Mendoza

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...