SONA, pagkakataon ni PBBM ilatag mga makasaysayang mandato at pagbabago-solon
July 24, 2022 @ 1:55 PM
3 weeks ago
Views:
186
Remate Online2022-07-24T14:35:25+08:00
MANILA, Philippines – Naniniwal ang isang kilalang kongresista na ang unang ‘State of the Nation Address’ o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay magandang pagkakataon para ilatag ang tugon ng makasaysayan niyang mandato sa mga hamong kinakaharap natin na maaaring maging daan tungo sa mahalagang mga pagbabago sa bansa.
Ayon kay House Ways and Means Chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda na umaasang mananatili bilang Chairman ng ‘House tax panel’, hiniling nito kay Pangulong Marcos na maliwanag niyang ilahad sa kanyang SONA sa Lunes ang engrandeng mga ambisyon ng bansa tulad ng makasaysayang mandatong ipinagkaloob sa kanya ng mga Pilipino.
Nabatid na gumawa si Salceda ng talaan ng mahahalagang ‘national goals’ na inaasahan niyang tatalakayin ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA. Kabilang sa talaan ang “pagbawas sa kahirapan sa 9% o mababa pa pagsapit ng 2028, pag-ahon sa 2.16 milyong pamilya mula sa pagdarahop, paglikha ng ‘middle class na bubuuin ng mga 15 milyong pamilya, 8% pagsulong ng ‘gross national product’ o GDP, pababain ang ‘deficit’ o kakulangan sa pundo sa 3-4% ng GDP, pababain sa 53% ng GDP ang mga kautangan, at patatagin ang pundasyon ng bansa at mapabilang ito sa OECD pagsapit ng 2040.”
Ayon kay Salceda, karamihan sa mga target na ito ay malinaw na isinasaad din sa panukala niyang House Joint Resolution No. 6, or ‘Build, Build More’ infrastructure framework, na inihain na niya sa Kamara.
Ipinanukala ni Salceda na italaga ni Marcos sa P11 trilyon ang ‘total infrastructure spending program’ ng bansa sa susunod na anim na taon upang itaas ang ‘Golden Age of Infrastructure’ na nauna nang binalangkas sa panahon ng kanya ama na muling binuhay sa termino ni dating Pangulong Duterte.
Sa ilalim ng HJR 6, ipinanukala ni Salceda na italaga ng gobyerno ang paglaan at pamumuhunan ng hindi bababa sa P10.2 trilyon sa mga imprarstraktura sa susunod na anim na taon. Sinabi niyang umaasa siya na tutugunan ni Pangulong Marcos ang mga mahalagang prayoridad na sadyang kailangan upang magkatotoo ang mga engrandeng ambisyon ng bansa, gaya ng mga sumusunod:
Kailangan aniyang isulong ang rebolusyon sa agrikultura na walang katulad sa ating kasaysayan. Tutukuyin nito ang pagpaataas sa US$20 bilyon ang halaga ng mga produktong agrikultura na ipinagbibili sa ibang bansa sa katapusan ng kanyang termino. Sa gayon ay kaya nang makipagkumpetensiya sa mundo sa mga produktong gaya ng mais na makakaugnay sa iba’t-ibang industriya at magiging daan sa katuparan ng nais niyang mapababa sa P20 ang isang kilo ng bigas.
Pangalawa: Kailangang pigilan ang ‘inflation’ o pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Pangatlo, kailangang pagtuunan ng pansin at tugunan ng Pangulo ang paglikha ng mga kapaki-pakinabang na trabaho, at suportahan ang maliliit na negosyo.
Ipinanukala din ni Salceda na isagawa ang ‘National Broadband Network program’ upang mabigyan ng tunay na malawak na pagkakataon ang mga manggagawa at mga negosyo.
Pang-apat: Kailangang ang akmang panuntunan at malinaw na mga hakbang tungo sa ‘resiliency’ kaugnay sa panahon, pananalapi, pagbago-bago ng mga bagay, estraktura at teknolohiya; at ‘sustainability’ kaugnay naman sa kapaligiran, pakikipag-kapwa at pamamahala sa pananalapi.
Pang-lima: Muling pagtibayin ang ating obligasyon sa lalong pagpapalakas sa edukasyon na pinakamahalang pamumuhunan sa ating mga mamamayan at ekonomiya. Magsisimula ito sa banayad at mabisang pagbalik sa dating magkakasamang pag-aaral sa loob ng paaralan.
Pang-anim: Kailangang tiyakin ng Panguluhan ang pagsunod sa responsable at tamang pangangasiwa sa pananalapi ng bansa na naging pinamahalagang panuntunang yaman ng Pilipinas mula noong 2001. “Ang ating ‘macro-fiscal management’ at pagpapanatili ng estratehiya kaugnay nito sa nakaraang dalawang dekada ay kinaiinggitan sa buong mundo. Ang muling pagtiyak sa pagsunod nito ay sadyang hahangaan ng pandaigdigang kumunidad.” ani Salceda.
Ayon pa kay Salceda, naniniwala siyang dapat masusing planuhin ni Pangulong Marcos ang pagsulong sa malalaking ambisyon niya sa Pilipinas sa loob ng balangkas ng malayong pananaw ng bansa.
“Para sa tuloy-tuloy na pagsusumikap, inaasahan kong bibisitahin niya ang programang ‘Ambisyon 2040’ na binuo sa pangangasiwa nina dating Pangulong PNoy at Duterte, at ang ‘Pagtanaw 2050’ na binalangkas naman sa ilalim ng administrasyong PRRD, bilang gabay sa pagsisikap ng bansa na matupad ang mga ambisyon nito,” paliwanag ni Salceda.
“Sa gabay ng mga balangkas ng nakaraang ilang administrasyon, mapapatibay ang mensahe ng pambansang pagkakaisa na nagbigay ng makasaysayang mandato ng mga Pilipino kay Pangulong Marcos,” madiin niyang dagdag. RNT
August 13, 2022 @5:00 PM
Views:
79
MANILA, Philippines- Sa nalalapit na pag-arangkada ng pasukan sa Agosto 22, nagbabala ang environmental group EcoWaste Coalition nitong Sabado sa toxic chemicals, kabilang ang lead at cadmium na maaaring makaapekto sa mga mag-aaral, na natukoy sa ilang school supplies.
Sinabi ng EcoWaste Coalition,na nagsusulong ng chemical safety at zero waste campaign in sa mga paaralan, na taon-taon itong nagsasagawa ng test buy ng school suppliesupang matukoy kung may mga produktong naglalaman ng mga kemikal na mapanganib sa mga bata.
Binili nila ang mga produkto sa retail store sa iba’t ibang lugar kabilang ang Manila, Quezon City, Cagayan de Oro, Iligan City, at Davao.
Gamit ang X-ray fluorescence (XRF) analyzers, natukoy ng grupo na 38 sa 85 school supply items ang may halong mapanganib na lebel ng lead at cadmium. Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:
-
painted metal clips and pins
-
stainless water bottles
-
cable winders
-
graphic bookmarks
-
lunch bags
-
Backpacks
-
raincoats
“Lead is a very powerful neurotoxin, targeting the brain and the thinking of the person especially children,” ani Environmental Health Specialist Dr. Geminn Louis Apostol.
“While the children are still young and they are exposed to these chemicals that target their brains, it could possibly affect their thinking and intelligence.”
Idinagdag n Apostol na ang IQ ng isang indibidwal ay bumababa ng 0.25 hanggang 0.5 kada isang microgram per deciliter increase ng lead sa dugo.
Batay din sa datos ng World Health Organization, sinabi ng EcoWaste Coalition na ang lead at cadmium ay kabilang sa 10 chemicals of public health concern.
Kabilang din ang mga ito sa priority chemicals list sa bansa.
Wala rin umanong impormasyon sa school supplies na may mapanganib itong kemikal, ayon sa grupo.
Nanawagan naman ang EcoWaste Coalition sa manufacturing industries na itigil ang paggamit ng mapanganib na kemikal sa school supplies.
Hinikayat din nito na maglagay ng babala ukol sa mga kemikal na ito. RNT/SA
Mga larawan kuha ni Danny Querubin
August 13, 2022 @4:56 PM
Views:
70
MANILA, Philippines- Opisyal na inilunsad sa Quezon City ang Motorismo, isang travel company na naglalayon na ipromote ang Philippines tourist destinations habang isinusulong ang road safety travel sa pangunguna ni Jaydee Chua Gungon, founder. (Mga larawan kuha ni Danny Querubin)
August 13, 2022 @4:47 PM
Views:
64
MANILA, Philippines- Aabot sa 450 benepisyaryo ang nabigyan ng Malabon Police Station-Tugatog Sub-Station 2 sa pakikipagtulungan ng Valenzuela City Masonic Lodge No. 466 at Malabon Mayor Jeannie Sandoval ng tulong gaya ng food items, mga gamot at libreng konsultasyon sa mga taga-Barangay Tugatog ng naturang lungsod. Jojo Rabulan
August 13, 2022 @4:45 PM
Views:
75
MANILA, Philippines- Hiniling ng progresibong mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kasunod ng pagharang niya sa importasyon ng asukal, dapat ding ipatigil ng Pangulo ang importasyon ng isda, partikular ang galunggong, dahil sa pinsalang dulot nito sa local at maliliit na mangingisda.
Ang pahayag ng Pamalakaya ay bilang reaksyon sa pagtanggi ni Agriculture Secretary Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag-import ng 300, 000 metric tons ng asukal.
“Kasunod ng pagharang niya sa importasyon ng asukal, dapat ding ipatigil ni Marcos ang importasyon ng isda, partikular ng galunggong, dahil sa pinsalang dulot nito sa lokal at maliliit na mangingisda,” ayon sa grupong PAMALAKAYA.
Sinabi ng PAMALAKAYA na dapat ipawalang-bisa ni Marcos ang Fisheries Administrative Order (FAO) 195, na ginagamit ng Department of Agriculture (DA) bilang legal na batayan para mag-angkat ng libu-libong metrikong tonelada ng galunggong (round scad), bukod sa iba pang pelagic fish. , sa mga nakaraang taon. Ang FAO 195 ay nilagdaan noong 1999 ng noon ay kalihim ng agrikultura na si Edgardo J. Angara.
“We dare Marcos to reject importation of other agricultural products as well including fish. This liberalization policy is detrimental to the ailing fishing sector. Over the years, the DA opened our floodgates for imported agriculture and fisheries products, leaving our farmers and fisherfolks at the losing end. Marcos Jr. should take a hundred and eighty degree turn on such policies if he is sincere to protect the agriculture industry,” ayon kay Ronnel Arambulo, Pambansang Tagapagsalita ng PAMALAKAYA.
Ipinaliwanag ng grupo ng mga mangingisda na ang mga inangkat na isda ay “nagdudulot ng malubhang pinsala” sa lokal na industriya ng pangingisda. Ang farm gate price ng galunggong, paliwanag ng PAMALAKAYA, lalo pang bumababa sa pagpasok ng mga imported na isda, dahil mas gusto ng mga lokal na mangangalakal ang huli na medyo mas mura kumpara sa lokal na ani ng isda.
“Its immediate impact would be directly felt by our small fisherfolks whose products are outcompeted by imported fish. Importation that stems from liberalization policies has to stop,” dagdag pa ni Arambulo.Ang grupo ng Pamalakaya ay nanguna sa kampanya laban sa “import-liberalization policy” na ito, at nananawagan na palakasin ang mga munisipal na pangisdaan at lokal na produksyon upang makamit ang matatag na suplay ng pagkain at seguridad sa pagkain sa tahanan. Santi Celario
August 13, 2022 @4:30 PM
Views:
70
MANILA, Philippines- Nakikiisa ang Philippine Red Cross (PRC) sa taunang pagdiriwang ng bansa ng International Humanitarian Law (IHL) Month ngayong Agosto.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Upholding IHL as We Recover from the Pandemic: Bayanihan to Reduce the Suffering in Armed Conflict Toward Advancing the Gains of Peace and Reconciliation.”
Ang pagdiriwang ng IHL Month ngayong taon ay pinamumunuan ng Department of National Defense (DND) at co-chaired ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ang dalawang ahensyang ito ay humalili sa pamumuno sa mga aktibidad ng Buwan ng IHL bawat taon. Ang IHL Ad Hoc Committee, kasama ang PRC bilang miyembro, ay nagsagawa ng photo exhibit at ribbon-cutting sa DND-AFP AFCOC noong Agosto 12, na ipinagdiriwang din ng Pilipinas bilang IHL Day.
Nakatuon ang eksibit sa mga nagawa ng mga miyembro ng komite kaugnay ng IHL.
Sa kanyang talumpati sa DND sa Araw ng IHL, sinabi ni PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon na ang ibig sabihin lamang ng IHL ay hindi dapat makipagdigma ang isang bansa sa mga non-combatants.
“IHL is there to protect everyone. We [PRC] are neutral, and our neutrality allows us the credentials, the credibility to initiate discussions on IHL,” paliwanag ni Gordon.
Si Gordon, isang dating senador at isang abogado, ang pangunahing may-akda ng Republic Act 9851, na kilala rin bilang “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity,” na pangunahing naglo-localize ng IHL at kumukuha ng batas .
“We are one of a few countries that have two IHL laws,” dagdag pa ni Gordon, na tumutukoy sa internasyonal na kasunduan sa ILH kung saan nilagdaan ang Pilipinas at ang batas na kanyang inakda. Jocelyn Tabangcura-Domenden